Sunday, November 17, 2013

Si Roger Pandaan at si Ogie Diaz at ang Kuwento Ko...

Ang alam ko ang tunay niyang pangalan ay Roger Pandaan. Pero dahil hindi maganda pakingan, pinangalanan ng kaibigang Tengol (Cristy Fermin) si Roger ng Loretto (Sampaloc) ng Ogie Diaz. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Tengol ang screename ng kaibigang Ogie.
From way back ay kilala na namin si Ogina Vagina (tawag din namin sa kanya noon). Kasa-kasama pa siya ni Cristy noon sa showbiz oriented show nito with Nap Gutierrez na Showbiz Patrol  na ipinapalabas sa GMA 7 na produced ni Ate Luds (Inday Badiday) na every Saturday ng hapon ay nagiging personal P.A. (personal assistant or personal alalay) siya ng writer-TV host.
Mula sa pagiging assitant cum alalay, nalaman na lang namin na nagsusulat na si Ogie sa publikasyon ni Cristy na Mariposa (he started as an editorial assistant hanggang sa maging reporter at editor ng teen magazine ng Mariposa).
The rest is history.
Ang dami namin pinagsamahan ni Ogie. Sa mga biyahe namin noon with Douglas Quijano sa Ursula Island sa Bataraza, Southern Palawan sa shooting nina Richard Gomez at Maricel Laxa; sa Goma Cup sa Baguio (kung saan ipinakilala niya sa amin for the first time si Rico Yan) hanggang sa Hongkong sa pictorial ng pamosong si Jun de Leon for Guwapings (Mark Fernandez, Eric Frustuso and Jomari Yllana) para sa Bench ay malayo na ang narating ng komedyante cum manunulat at talent manager sa showbiz in a span of almost 20-25 years.
Kapitbahay ko nun si Ogie sa Roxas District sa Kyusi malapit sa Amoranto Stadium. Naalala ko nga na palagi yan sa apartment ko with some press friends at doon kumakain ng lunch (noon pa man ay mahilig na ako magluto) sa akin. Open house ang bahay ko sa mga kaibigan at barkada kong mga writers noon. Ang bahay ko ay bahay din nila lalo na ang kusina ko kung saan ang nasira kong kasambahay na si Marina ay pinaghahainan si Ogiena Vagina and other friends ng lunch kahit wala ako.
Nagkaroon kami ng tampuhan ni Ogie that took us years na deadmahan dahil sa "bulong" ng isang dating kaibigan ko at dating kaibigan din niya (na ewan kung nagkaayos na sila) na ngayon ay muli ko naging kaibigan. 
Matapos ang ilang nagdaang mga taon, only last Wednesday (November 13, 2013) ay muli  kami nagkatsikahan. Kumbaga, muling nag-bonding over coffee sa Mc Donalds-Timog na favorite tambayan niya na ako naman ay sa Mc Donalds-Pantrano ang naging hang-out. Nagkikita kami sa mga showbiz functions since paminsan-minsan mula  ng nagkabati kami pero konting tsika lang hindi tulad noong nakaraang Miyerkules na talkshow to the "MAX" kami with another goodfriend Glenn Regondola of PEP. 
Sa mga naging kasabayan namin masasabi na financially stable na si Ogiena Vagina. May mga real estate properties na siya na sa pagtitiyaga  niya ay naipundar niya at nairaraos.
Kuwento nga niya sa akin, sa life insurance at health insurance ng pamilya niya (yes he's married and very proud of his 3 little girls) ay inaabot na siya almost half a million bukod pa sa ibang hinuhulugan niya at mine-maintain na mga investments.Hindi ko na naitanong kung ano ang lifestyle niya gayong nagkaroon siya ng mga anak at nag-asawa. Hindi na ako umurirat ng higit pa doon. Feeling ko wrong timing pero one of this days ay iko-Q and A ko siya pag may chance.
Malapit si Ogie sa mga artista. Dami niyang mga kaibigan at kabarkada na ang relasyon niya sa kanila ay hindi lang bilang artista sila at siya bilang isang entertainment reporter.
Naitawid  niya na siya na ang isang reporter ay isang kaibigan din nila  which sa panahon ngayon , mabibilang mo lang yong mga artista na personally ay malapit sa 'yo at hindi lang "showbiz" ang relasyon ninyo. Pero with Ogie, kahalakhakan niya si Luis Manzano at John Lloyd Cruz. Kalandian niya si John Estrada at Joey Marquez at at katsismisan si Janice de Belen at Carmina Villaruel ng mga personal nilang mga kuwento at hinagpis sa buhay na si Ogiena Vagina lang nakakaalam. Maging si Pokwang na kumare niya, alam ni Ogie ang pinakatatagong sekreto. Chummy sila ni Pokey kung saan magkasama ngayon and dalawa sa bagong pelikula ni Direk Don Cuaresma na Call Center Agent na ipapalabas na sa November 27. 
Sa Sunday (November 24, 2013), ika- 27th year ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards  for Television kung saan nominated siya as Best Male Showbiz Oriented Talkshow Host para sa Showbiz Inside Report(SIR) kung saan makakalaban niya sina Butch Francisco, Joey de Leon at Ricky Lo (for Startalk). Aminado si Ogie na noong mga nagdaang taon, basta si Boy Abunda ang makakalaban niya (at nila) uuwi silang luhaan. " Alam mo naman, pag si Ama (tawag ng iba kay Boy), alam naman natin na suko kami pag si Boy Abunda na kalaban mo e, wala na si Kuya Boy, labanan na 'to!” 


Dagdag niya: "Thankful ako sa nomination ko. The first nomination ko sa Star (PMPC) ay sa UKG. Kami yun as a group."
Sa Linggo, malalaman natin kung maiuuwi ni Ogie ang tropeo pero basta ang mahalaga sa kanya: Yun lang makapagtrabaho ay ako ay okay na kasi ang pinaka-trophy ko naman ay yung mga anak ko."

Sa susunod namin na talkshow at kapihan, uuriratin ko sa kaibigang Ogiena Vagina ang tutoong dahilan kung bakit siya nag-asawa at nagkaroon ng anak. Promise. Itatanong ko yan sa kanya kaya abangan nyo sa susunod. (Sinulat ni RK Villacorta)