Wednesday, December 4, 2013

Jolina Magdangal Kahit Buntis Type ang mga Brazilian Models

Seven months na ang bata na nasa sinapupunan ni Jolina Magdangal sa kanyang ang misterna isang singer sa banda. The last time na nakausap namin si Jolens, she was in the early stage ng kanyang pabubuntis (two months palang yata noon) kaya it was a surprise to hear from her sa update ng kanyang pregnancy.

Nang magpa-ultra sound siya kamakailan, she and her husband learned na isang “baby boy” ang magiging anak nila in the coming to months.
“I want to name him na tipong Brazilian,” pagmamalaki ni Jolens.
Tunog Brazilian (inspired by Fabio Ide, Daniel Matsunaga and the boys); hindi pa malinaw kung ano ang ipapangalan niya sa baby.” Basta tipong ganu’n. Brazilian ang peg,” excited na pagmamalaki niya.

Dingdong Dantes Gusto Lawakan ang Paglilingkod sa Kabataang Pinoy

Wala pa malinaw na pampersonal na plano sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Kapaskuhan. Hindi pa rin konkreto kung ano ang gagawin nila this Christmas.
Pero balita ko, Dingdong will spend Christmas sa isa sa mga lokasyon sa Visayas na nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Sa katunayan with his advocacy work, he is building school classrooms para sa isang area sa Estancia, Iloilo kung saan kagagaling lang niya doon with his co-talents from PPL Entertainment which for me is a nice gesture na ang isang sikat at iniidolo ng kabataan at ng marami ay handang ibigay ang panahon at kakayahan para i-rebuilt ang buhay ng mga bata (at estudyante) na siyang pangunahing advocacy ng kanyang Yes Pinoy Foundation.
Nakausap namin si Dong during PPL’s Christmas Party for the press ( last December 2) at he is interested to do more work at lawakan ang kanyang nasimulan para sa mas nakararami lalong lalo na para sa mga kabataang Pinoy.
Dahil sa gawang ito ng aktor, bumilib kami lalo sa kanya. Dingdong Dantes, Mabuhay Ka!

KC Concepcion Pinahanga si Gov. ER Ejercito

Puring-puri ni Gov. ER Ejercito ang leading lady niya na si KC Concepcion para sa kanyang Metro Manila Film Festival 2013 entry na Shoot to Kill: Boy Golden dahil sa pagiging game nito sa shooting.
Walang kaere-ere kasi si KC nang minsan naming nakita sa set sa may bandang Legarda sa Manila na kahit malamok, game na naghihintay ng kanyang cue mula kay Direk Chito Roño.

Bidang-bida ni Gov. ER si KC dahil ang dalaga mismo ang gumagawa ng kanyang mga eksena.
“Hindi siya napapa-double tulad ng ibang mga artista natin. Siya mismo ang gumagawa ng stunts niya. Pagulungin mo, palundagin mo, malakas ang loob niya,” pagmamalaki ni Gov. ER.
Isang Thai stunt director na pinapunta nila galing Bangkok ang para mag-direk ng mga eksena. Ito rin ang nagtuturo kay KC ng delikadong stunts na noong una ay ayaw ipagawa ni Gov. ER sa dalaga dahil sa risk, pero very insistent si KC.
Napanood namin ang trailer na ipinagmalaki ni Gov na kami man nagulat dahil trailer pa lang, ang ganda ng obra ni Direk Chito na tipong pelikulang Hollywood.
Sa pagiging mabusisi ni Direk Chito (ang ganda ng pelikula niyang Badil na ipinalabas kamakailan) hindi naipalulusot ni Direk ang mga eksenang may sablay.

 One nice thing kay KC ay wala siyang reklamo sa set na kahit sa kalaliman ng gabi at malamok kapag sinabi na ni Direk Chito na magte-take na sila, kahit pass midnight na ay muling nabubuhay ang enegry ng dalaga.