Saturday, December 14, 2013

P500K+ for Women for Yolanda Project

Happy sina Mariel Rodriguez, Camille Villar, Shalani Soledad-Romulo, Grace Lee at Rufa Mae Quinto sa success ng kanilang fund raising project na Women for Yolanda na naganap ngayong araw (Saturday, December 14) sa Function Hall ng Star Mall (along EDSA and Shaw Blvd.) dahil na sold-out ang kanilang mga paninda na mga wardrobe, shoes, bags and accecories na minsan nila nagamit na ibinenta nila para makalikum ng funds para sa mga kababaihan na survivors ng super bagyong Yolanda sa Tacloban.

Portion of the sales from Women for Yolanda Project


Ang supposed to be na two days event ( Dec. 14 and 15) ay natapos sa  first day pa lang dahil naubos lahat ng kanilang mga paninda.

Ayon sa Instagram posting ni Peachy (Rufa Mae) nakalikom sila ng almost P500 Thousand pesos.
Nagpapasalamat silang lima sa suporta ng mga fans nila na tumangkilik sa kanilang proyekto.
Ayon kay Rufa Mae, sila mismo ang bibili, magre-repack ng mga supplies na ipapamahagi nila personally sa Tacloban.



 Ang Women for Yolanda Project nilang lima ay iba sa personal relief giving ni Mariel sa mga taga-Cebu kung saan katuwang naman niya ang mister niyang si Robin Padilla.

To Mariel, Camille, Shalani, Grace and Rufa Mae,  Mabuhay kayo!


Kaya Minumulto...Kabaong sa Shooting ng MMFF 2013 na Pagpag Gamit Na!


May duda si Direk Frasco Mortiz (eldest son ng Matinee Idol of the 70’s na si Edgar Mortiz) kung brand new 'yong ataul na ginamit nila sa mga eksena sa MMFF 2013 entry ng Star Cinema na pelikulang "Pagpag" na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


The fact na uso ngayon ang mga cremation sa labi ng ating mga mahal sa buhay, yong iba nagre-rent na lang ng coffin para menos-gastos. Yong iba, matapos isagawa ang viewing or lamay ay idino-donate na lang. Eerie kapag ang ginamit nilang coffin sa mga eksena ay “gamit” na or in short nahigaan na ng patay. 

Pero sa shooting nila sa Pila, Laguna, may ilang mga insidente na ang mga bombilya ng mga ilaw na gamit nila sa set at nagpuputukan gayong wala naman rason. Sabi nga ni Direk na hindi lang sina Kathryn at Daniel ang may nakakapangilabot na experience ng “pagmumulto” matapos ang shooting nila one evening kundi pati sa set, may ilang mga paramdam kung paramdam man ang itatawag mo sa gayong mga kaganapan.

Dahil kaya ang kabaong na gamit nila sa shooting ay minsan na nagamit ng patay? Kung pinapaupahan yong kabaong, malamang hindi lang isa o' dalawang namatay ang gumamit nun.


Abangan ang kuwento ni Kathryn at Daniel tungkol sa pagmumulto sa kanila at baka mangilabot ka at hindi makatulog...

Angelina Jolie Off to Tacloban

Sinimulan ni Justin Bieber ang liga ng mga international celebrities na dumalaw sa Tacloban City kamakailan. This time si Angelina Jolie (na kilala worldwide sa kanyang pagtulong at advocacy) ay nakatakda rin dumalaw sa Tacloban para magbigay lakas loob at suporta mga survivors ng bagyong Yolanda.

As of presstime, wala pa ibinibigay na detalye kung kailan to be exact ang dating ni Lara Croft sa Tacloban. Tulad ng padating ni Justine na isang sorpresa, malamang ay ganun din ang gagawin ni Angelina.

Nagtataka lang ako kung bakit palagi sa Tacloban ang konsentrasyon ng panawagan ng tulong para sa mga survivors ng Yolanda gayong ang laki ng sakop ng mga nasalanta ng super bagyo tulad sa Samar, Panay Island, Negros, Palawan at kung saan pa dako ng bansa na hindi nabibigyan pansin ng media at napupuntahan ng mga nagbibigay tulong?

Isa pa, kamusta na kaya ang mga bilyones na naitulong ng ibang bansa sa mga nasalanta ng bagyo? Bilyones yun na dapat ipamahagi at gamitin sa  pagbagon ng mga nasalanta. Hopefully, walang magic na mangyayari or else....


Heart Evangelista Pantasya ng mga Tomboy

Ang seksi  ni Heart Evangelista sa kanyang 12 pages 2014 Tanduay Calendar.
Ang dami na naging modelo ng naturang inumin na every year ay inaabangan kung sino ang magmo-model ng seksi sa kanilang kalendaryo.

Pero this time, ang peg ni Heart ay very Sports Illustrated magazine where international super models aim to be in the cover sa isa sa pinakasikat na babasahin worldwide.

Seksi at sosyal si Heart sa tipong fashion editorial niya na ginawa na ng mga Brazilian international models tulad nina Camille Alves at Andriana Lima (katipo siya ni Heart).

Kaya nga proud ang boyfriend ng dalaga na si Senator Chiz Escudero dahil ang girlfriend ay ilusuyon ngayon ng mga kalalakihan at pati mga-katomboyan dahil sa naturang calendar. Isa lang ang sabi ni Heart sa naturang sexy pictorial niya: " Fearful at first. I never really thought of myself as a hot, sexy vixen. It's funny beacuse it took me somuch convincing myself to face my fears. I work out and got the best team and I feel absolutely brave and confident and so much a woman that that pictorial."

 Dagdag niya:" I feel so happy and proud of myself."
Ngayon na mina-manage siya ng Viva Artist Management for 2014, mas maraming daring plans ang Viva para sa kanya. Her teleserye na  "Magkano Ba Ang sag-ibig"  is doing good sa rating and most likely ay isang magandang movie in the mid-2014.