Wednesday, December 18, 2013

Willie Revillame P3M na Tulong ang bitbit para sa Tacloban sa Sabado


Hindi lang natin alam na sa sarili niyang effort (without media coverage) may ginagawa si Willie Revillame para sa mga taga-Tacloban na napinsala at nasira ang kabuhayan at  mga mahal nila sa buhay. 

Sa Red Cross pa lang, napagalaman namin na nagbigay siya ng 10 million pesos noong first few days matapos dumaan ang super bagyo.

Sa darating na Sabado, December 21, tutungo siya sa Tacloban para mamahagi ng sarili niyang kontribusyon sa mga survivors mula sa sarili niyang bulsa.
Balita naming namaili na si Willie ng worth 3 million pesos of supplies na ikakarga nila sa pamamagitan ng eroplano na nahiram niya at pinagasolinahan.
 Kinabukasan, December 22, kasama ang mga dating mga artista sa show niyang Wow Wow Willie, magpe-perform sila at magbibigay saya sa survivors gayong malapit na ang Pasko.
Sa biyaheng ito ni Willie, hindi lang malinaw sa amin kung ang ginawang fund raising projects ng mga dating hosts niya na sina Mariel Rodriguez, Camille Villar, Grace Lee, Shalani Soledad-Romulo at Ruffa Mae Quinto na Women for Yolanda na naganap last Saturday at nakalikom ng almost half a million ay makikisali sa effort na ito ng comedian-host.
 
Kahit magpatalo man si Willie ng milyones sa casino at magbenta ng kanyang mga properties tulad sa mga naglalabasang mga balita, bahala siya at doon siya masaya. Basta ang mahalaga, nagse-share siya sa kanyang mga kababayan sa panahon na kailangan nila ng ayuda.



Vice Ganda MMFF 2013 Best Actor?

Sa hirap ng role ni Vice Ganda, portraying four characters sa MMFF 2013 entry ng Star Cinema at Viva Films na Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa direksyon ni Wenn Deramas, hindi pupuwedeng hindi siya ma-nominate sa kategoryang Best Actor.
Hindi lang naman ang hirap ng portrayal niya sa kanyang role ang basehan ng mga MMFF 2013 juros kundi pati na rin kung paano niya nai-portray nang tama ang role niya sa pelikula. Sabi nga ni Vice na mahirap sa kanya ang role ng tomboy dahil kontrolado niya ang pag-o-over acting sa peg ng isang tomboy na hirap siyang iarte.

Kaya nga ‘pag nagkataon na makapasok si Vice, ito marahil ang pelikulang comedy na alam mong puwede ilaban sa hanay ng mga pelikula tulad ng Shoot to Kill: Boy Golden ni Gov. ER Ejercito; ang pelikula ni Rocco Nacino tungkol sa buhay ng isang saint o naging santo at ang pelikula ni Robin Padilla tungkol sa isang pulitiko na nakipag-hide and seek mula ‘Pinas hanggang Amsterdam mula sa mga may kapangyarihan at ang lima pang entries kabilang ang pelikulang Pagpag (Siyam ang Buhay) ni Daniel Padilla na isang horror ang peg (may pamato kaya siya na puwedeng makipagsabayan sa aktingan sa pelikula ng mga nabanggit na mga bida sa obra na kanilang ilalaban?).

I’m sure happy ang Pinoy dahil mae-enjoy nila ang tawanan with Vice, ang action scenes nina Gov. ER at KC Concepcion at ang pananakot sa pelikulang Pagpag nina Daniel at Kathryn Bernardo, na alam ko dudumugin ng publiko lalo pa’t tuwing Pasko, tradisyon na ang panonood ng mga Pinoy movies ng bawat Pilipino.

Jodi Santamaria Buntis kay Jolo Revilla?

Is it true na buntis si Jodi Sta. Maria kay Jolo Revilla? Usap-usapan kasi ang tungkol sa sitwasyon ni Jodi na dahil sa kanya diumanong pagbubuntis, pati ‘yong role niya as Maya na asawa na ngayon ni Ser Chief (‘di nga ba’t ikinasal sila sa kuwento) sa kanilang morning teleserye sa Kapamilya Network ay siya na rin gagawing peg na kunwari nagdadalan-tao siya sa istorya?
Hindi pa rin makumpirma ang tungkol sa tsismis lalo pa’t ang mga malalapit na mga kaibigan ng dalawa (Jodi at Jolo) ay ayaw rin magsalita.

‘Pag nagkataon at kung may pakialam pa ang dating asawa ni Jodi na si Pampi Lacson at may tangkang magdemanda (ang alam ko, hindi pa annulled ang kasal nila) ay maaaring kasuhan ni Pampi ang dating misis ng adultery?

Pero ano naman kaya ang puwedeng ikaso ni Jodi sa dating mister na ang girlfriend nito na si Iwa Moto ay nanganak kamakailan ng first baby nila? Sabi ng kaibigan ko na may konting alam sa batas, ang puwedeng isampa kay Jolo ay concubinage.

Pero mas mahigpit pala ang kasong adultery at hindi patas ang batas sa babae kumpara kapag lalaki ang may kasalanan o' nangaliwa.
Every sexual intercourse ng babae, isang count ng adultery. Pero the fact na si Pampi, may anak na rin sa girlfriend na si Iwa, well for sure quits na lang sila pareho para walang abala.