Monday, November 18, 2013

Student Leader Ria Atayde Sinubukan Umarte sa Be Careful with My Heart

Hindi lang ang panganay na anak ng aktres na si Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde ang nasa showbiz. Maging ang pangalawang dalagita niyang si Ria Atayde (a student leader at DLSU) ay tila nagkaka-interest na rin pasukin ang showbiz.

Ria Atayde in a beautiful a light brown dress

Simula kaninang umaga (Monday, November 18) first appearance ni Ria sa Be careful with My Heart sa reception scene ng kasalang Ser Chief at Maya . Ria plays the role of the reception host (with many speaking lines huh!) na mapapanood ninyo hanggang Wednesday . Feedback ng mga production staff, magaling si Ria sa role niya na syempre naman ay ikinatuwa ng ina niya na si Sylvia Sanchez. To quote Ria: " Such a great experience to have been able to be a part of #BeCarefulWithMyHeart and to work with my mom even just for a day." As far as I know Ria's dream is to be a broadcast journalist and someday ay makapag-work sa BBC World or CNN. Good luck!

Ang Putahe ni Glenda Garcia

Alam nyo ba na hindi lang isang magaling na aktres si Glenda Garcia but she's also a good cook?
Bukod kasi sa pagiging aktres, masarap din si Glenda magluto.




Three of her favorite dishes are Pasta (any type); Chicken Masala and Pork Binagoongan. "Kasi pag ako ang nagluluto with love at passion ko talaga kaya siguro masarap."
Sa ngayon, Glenda is busy doing her regular tele-serye sa Kapuso Network ang Akin Pa Rin ang Bukas na pinagbibidahan ni Lovi Poe sa direksyon ni Laurice Guillen.
Kapag may freetime ang aktres, she invite friends to savor her favorite dishes na siya mismo ang naglulto from scratch. 




Bea Binene: Bad Girl ng Kapuso Network

NO BANG reputasyon meron ang dalagitang si Bea Binene?
The girl who celebrated her 16th birthday recently at a posh hotel in Ortigas ay may kabulastugan na ginawa na naman that for me is not a positive behavior para tularan ng kanyang mga fans na halos kasing-edad niya rin or shall I say mas bata sa kanya.

Bea Binene
 Si Bea ‘yong minsang na-link sa isang disc jockey named Papa Dan na sinasabing ka-live-in (or nakikitira sa bahay nila) na naglikha ng hindi magandang impresyon para sa kanya which I think, sa murang edad niya, kung anu-anong intriga at tsismis na hindi dapat sa isang 16-year old na masangkot.
‘Yong isyu nila ni Papa Dan ay way far in my wildest dream na ang isang sweet little girl ay matsismis nang ganu’n.
Dahil sa kaliwa’t kanang questionable issues against Bea, aminin man niya o hindi or even her Mom na super protective sa kanya ay hindi ito nakatulong sa kanyang career.
At 16 (the issues came out when she was 15) ay hindi tamang values o impression para idolohin ng mga high school girls (or even my niece) dahil very negative.
Kaya siguro biglang sumemplang ang career niya sa TV station na katabi ng MRT Station sa EDSA, na during her reign walang kasing edad niya na artista ang makapasok sa estado niya dahil all out ang support ng istasyon sa kanya. But with the negative impression ng mga mother ng mga fans niya (same as her age) they don’t want their little daughters to be like Bea.
I myself reprimanded my niece na mas bata kaysa kay Bea na tigilan na ang paghanga sa idol niya because of the bad image at ang showbiz reputation niya na hindi ako sang-ayon.
Tama ba ang balita namin na nagkabalikan na rin sila ni Jake Vargas at the expense of newcomer Ken Chan naka-loveteam niya ngayon? 
Sa pagkakaalam ko Ken is part of  Bea's latest music CD from PolyEast Records with a duet sa "Bad Little Girl" but instead na sina Bea at Ken ang nagdu-duet during TV guestings and Mall Shows, mas gusto ng dalaga na ang "ex" ang makasama at makipag-dueto ito which I find stupid at walang respeto sa kapwa niya artista. Ok. Granting na nagkabalikan silang dalawa ni Jake walang pumu-protesta doon. Buhay nila pareho yun pero sana naman ay maging sensitive siya na may mga taong nasasagasaan niya sa mga diskarte niya at kung ano man ang "gusto" niya.
Recently sa promo ng CD niya sa Harrizon Plaza ay andun si Jake na isang tuwirang pambabastos ng alaga ni German Moreno sa baguhan (Ken) sa mga live shows to promote her music CD. I wonder kung bakit hinahayaan ng ina ni Bea ang mga sablay na kagustuhan ng kanyang anak.
I wonder kung ano ang ginagawa ng GMA Artists Center both managing Bea and Ken's career. Even German Moreno can't even discipline Jake na minsan na rin naging dahilan ng pagbibitaw ni Kuya Germs sa pagma-manage sa binata.
As an observer, with Bea's "showbiz reputation" I'm sure, mothers of Bea's fans ay hindi sasangayon na mga nangyayaring kabulastugan na pinangagawa ng Bad Little Girl ng Kapuso Network para idolohin ng mga anak nila.
Can someone please discipline the girl?
Mabuti na lang wala sa harapan ko sina Bea at Jake at paguuntugin ko ang mga ulo nila dahil both are mga pasaway.

Wally Bayola Balik Eat Bulaga

Matapos ma-suspend dahil sa kanyang " sex video" na kumalat sa internet, balik Eat Bulaga ang komedyanteng si Wally Bayola.
Kung maalala pa naging viral a couple of months ago ang pinagusapang "sex video" ng komedyante at ang girlfriend niya na isa sa mga member ng EB Babes (mga female dancers ng pantangahaling show ng TAPE, Inc.). Sa pagbabalik ni Wally, isa sa matutuwa ay ang ka-partner niyang si Jose Manalo na sa simula pa man ay naging click ang tambalan nilang dalawa na naglika ng sarili nilang cult following para makapag-concert sila sa Araneta Colesium na hindi basta-basta napupuno ng kung mga local performers-entertainers natin.

Sa pagkawala ni Wally pansamantala sa Eat Bulaga because of the suspension , ano kaya nangyari sa buhay niya? Kamusta na kaya si EB Yosh? Sila pa rin kaya?