Monday, December 2, 2013

Wala Pa Rin Pagbabago Korina Sanchez Balik DZMM Na!

Bumalik na sa kanyang DZMM radio show niya si Korina Sanchez today Monday (December 2, 2013) after maimbiyerna ang sambayan sa komento niya kay Anderson Cooper ng CNN sa report nito sa kasagsagan ng resue operation sa mga nasalanta ng Bagong Yolanda. 
 As expected, wala pa rin ako nararamdamang sensitivity mula sa kanya habang nagbo-broadcast siya. Hindi niya tinalakay ang isyung suspension niya. 


Hindi rin niya naging topic ang isyu ng sambayanan laban sa kanya dahil kay Anderson Cooper. Tulad ng dati, siya pa rin si Korina Sanchez, deadma lang. Sikmurain mo na lang ang kaplastikan niya sa ere or turn off your radio.
Kanina sa kanyang pagbabalik sa radyo, nag-treat siya ng pizza sa mga staff niya. Kumbaga, pa konsuwelo de-bobo. Di nga ba't ang mister niya na si DILG Sec. Mar Roxas tuloy pa rin pa rin ang pangarap sa 2016 after all the ka-engotan?

Alitang Juday- Alfie Lorenzo Malalim ang Pinagugatan

Nag-emote sa amin si Tito Alfie Lorenzo ng magkita kami sa Zikoh Morato last Tuesday evening.
Napag-usapan namin ang show ni Ryan Agoncillo na katapat ng show ng alaga niyang si Judy Ann Santos na misis mismo ng kalaban sa oras at rating sa istasyon sa kanto na katabi ng MRT Kamuning Station.

 “Noong una, ang sabi hindi 100% magkatapat ang show, kaya okey lang daw. Kaya nga noong presscon ng show ni Ryan, sumugod ako. Ang mga “putah” ang say sa akin ng mga plastikada, ‘Tito Alfie, akala namin nagtatampo kayo sa amin’,” taas kilay kuwento ni Alfonga sa amin.
Sa dressing room, kinausap niya si Ryan. “Wala kasi silang pakialaman pagdating sa trabado. Kanya-kanya silang diskarte. Ang sa akin, mag-asawa sila. Maayos ang buhay mag-asawa nila. Ngayon dahil lang sa show, magpapagamit ka sa kanila na p’wedeng maging dahilan ng magiging gusot n’yo?” analysis ni Tito Alfie.
Hindi maipagkakaila sa manager/ tatay-tatayan ni Juday na nagmamalasakit siya. « Ano ito, pati network war ng dalawang istasyon dala-dala nilang mag-asawa? Sabi ni Ryan, hindi raw sila maaapektuhan. Bahala na siya. Don’t tell me na hindi ko siya kinausap. Concern lang ako sa kanila mag-asawa,” kuwento ni Tito Alfie sa amin.
Sa ibang usapin, sa halos tatlong TV Commercial ni Juday for the past six months na naapanood natin sa TV ngayon, hindi pa raw nakakarating ang commission niya mula sa alaga.
Inisa-isa ni Tito Alfie ang mga TVC na ini-expect niya na may pera na ibibigay sa kanya si Juday, the fact na siya pa rin ang official business manager ng aktres-TV host kahit may isang “Jane” na nakikipag-deal ng direkta on behalf of Tito Alfie.
Paging Jane Something. ‘Yong komisyon ni Tito Alfie, pakihanda mo na.