Wednesday, November 20, 2013

Enchong Dee sa Japan Magpapasko

Akala ni Enchong Dee, makapagbabakasyon siya after ng teleserye niya sa Kapamilya Network tulad ng nasabi niya sa press noog farewell presscon nila nina Enrique Gil at Julia Montes.
‘Yun pala, hindi rin siya makasingit dahil bago siya umalis papuntang Beijing (China) at Mongolia kasama ang parents niya at kapatid ay dumating ang offer sa kanya to do a comedy flick kung saan makakasama niya sina Pokwang at Jessey Mendiola sa Call Center Girl na palabas na sa November 27 na handong ng Star Cinema at Skylight Films sa direksyon ni Don Cuaresma.
“Sayang naman kasi kung tatanggihan. ‘Di ba ang daming gustong magka-project, sayang kung hahayaan ko lang na mawala,” sabi ng aktor sa amin during the press launch. 
Kung sa bagay, hindi maganda na tanggihan ang grasya. “Baka magtampo,” sabi ni Enchong.
Pero ngayon pa lang, nakahanda na ang binata sa magiging bakasyon nila muli ng parents niya this December sa Japan. Ang alis nila ay sa December 25. “Pero babalik kami before the New Year. Dito pa rin ako magki-Christmas at New Year’s Eve,” sabi ng aktor.
Sa Call Center Girl, he plays the boss of Pokwang who works sa isang call center.
Napanood namin ang trailer ng pelikula ang we find it funny. Pagsamahin ba naman ang mga magagaling nating mga komedyante like Pokey, John Lapus, Chokoleit at Ogie Diaz; expect a riot film.
Kaya nga pati si Enchong, nahawa na rin sa kabaliwan ng cast na kasama niya sa pelikula

No comments:

Post a Comment