Wednesday, December 4, 2013

Dingdong Dantes Gusto Lawakan ang Paglilingkod sa Kabataang Pinoy

Wala pa malinaw na pampersonal na plano sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Kapaskuhan. Hindi pa rin konkreto kung ano ang gagawin nila this Christmas.
Pero balita ko, Dingdong will spend Christmas sa isa sa mga lokasyon sa Visayas na nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Sa katunayan with his advocacy work, he is building school classrooms para sa isang area sa Estancia, Iloilo kung saan kagagaling lang niya doon with his co-talents from PPL Entertainment which for me is a nice gesture na ang isang sikat at iniidolo ng kabataan at ng marami ay handang ibigay ang panahon at kakayahan para i-rebuilt ang buhay ng mga bata (at estudyante) na siyang pangunahing advocacy ng kanyang Yes Pinoy Foundation.
Nakausap namin si Dong during PPL’s Christmas Party for the press ( last December 2) at he is interested to do more work at lawakan ang kanyang nasimulan para sa mas nakararami lalong lalo na para sa mga kabataang Pinoy.
Dahil sa gawang ito ng aktor, bumilib kami lalo sa kanya. Dingdong Dantes, Mabuhay Ka!

No comments:

Post a Comment