Saturday, December 21, 2013

Direk Manny Valera MMFF 2013 Fearless Box-Office Forecast

Kilala sa mundo ng showbiz ang kaibigang Manny Valera sa isa pa niyang pangalan- ang DMV (as in Direk Manny Valera). Nagsimula siya sa showbiz as an entertainment writer in the early 80's kung saan kinalaunan ay naging business manager-confidante ni Maricel Soriano.

DMV with Roxanne Guinoo
With his association with Mother Lily Monteverde, halos kalahati ng kanyang showbiz career ay naging Supervising Producer siya and at the same time naging director ng ilang mga obra para sa Regal Films.

Kasabay ng pagdi-direk isinabay niya ang pagma-manage ng mga artista para sa kayang DMV Production.



Currently, DMV handles the career of Alessandra the Rossi,  Jean Garcia, Roxane Guinoo at marami pang iba. Dati, siya ang nagma-manage kay Zoren Legaspi. Isa mga bagong talent niya sa kasalukuyan si Alex Medina.

Interesado si Manny Valera (DMV) sa pelikula ni Laguna Gov. ER Ejercito na Shoot to Kill: Boy Golden. "May effort na pagandahin ang mga pelikula niya. Na-enjoy ko yong Asiong Salonga two year ago."
Nang makita niya yong poster ng pelikula na naka-gold suit si Gov. ER at naka-circa 60's si KC Concepcion, alam niya may effort ang pelikula na maging maganda lalo pa't under the direction of Chito Rono. 

Ang box-office forecast niya para sa MMFF 2013, sa first two days mauuna ang My Little Bossings nina Vic Sotto at ng dalawang bagets na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap at papangalawa ang Girl, Boy Bakla, Tomboy at pangatlo lang ang pelikulang Pagpag (Siyam na Buhay) ng hot teen sensation love team na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. But towards the weekend, mauuna sa listahan ang pelikula ni Vice Ganda  at papangalawa ang one and only horror flick ng Star Cinema at Regal Films.

Sa first day, plano na niya panoorin ang Boy Golden at ang pelikula tungkol sa buhay ng isang santo kung saan ang isa sa mga alaga niya ay kabilang sa naturang pelikula.





No comments:

Post a Comment