Wednesday, December 11, 2013

Gov. ER naunahan si Paolo Avelino kay KC Concepcion

I’m sure inggit siguro si Paulo Avelino kay Gov. ER. Sa pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden na isa sa mga MMFF 2013 entry may kissing scene si KC  Concepcion sa kanyang leading man.

Sa mga nakapanood ng shooting, may pagka-passionate daw ang eksena. Kaya malamang, si Paulo na isa sa natsi-tsismis na manliligaw ni KC ngayon, dapat nga mainggit kay Gov. ER dahil mas naunahan pa siyang madampian ang labi ng dalaga.
Habang isinusulat namin ito, may two shooting days pa na bubunuin si Direk Chito Rono para matapos na ang kanyang pelikula. Last Tuesday, halos masikatan na ng araw ang mga artista ni Direk Chito na sina Gov. ER, Tonton Gutierrez at John Estrada dahil kailangan tapusin ang isang mahalang eksena sa pelikula.

No comments:

Post a Comment