Wednesday, December 11, 2013

Ruffa Mae Quinto Busy sa Pagtulong sa mga Yolanda Survivors



Happy to learn na abala rin si Ruffa Mae Quinto  kahit busy siya sa kanyang mga showbiz projects sa kawang-gawa. May sariling diskarte ang seksi na komedyante na makatulong sa mga survivors ng bagyong Yolanda. Kasama nina  Mariel Rodriguez, Grace Lee, Camille Villar at Sahalani Soledad (mga co-host niya sa defunct noontime show in Willie Revillame)  this coming Saturday and Sunday ( December 14 and 15) nag-buo sila ng isang fund raising project to raise funds for the Women of Yolanda sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pre-owned wardrobes nila  na gagawin sa Function Hall ( 2nd Floor) ng Star Mall along EDSA corner  Shaw Blvd.

Ang mga ibebenta nilang mga damit na mga branded like Mango, Worthy Perkins, Urban Outfitter, Zara, Marks & Spencer  will only cost P250 each. Ganun din ang halaga ng mga footwear and sandals na kung mahilig ka sa mga branded outfits, apir na sa project ng mga “kikay hosts” this coming weekend.

On the lighter side, para sa mga hindi nakapanood ng latest movie niya sa mga sinehan; out na in the market ang DVD ng "Huling Henya" from Viva Films na latest  na pelikula ng sexy comedienne. Buy na ng Orig!

No comments:

Post a Comment