Sunday, December 15, 2013

Juluis Babao at Tintin Bersola Muling Ikinasal

Parang kailan lang, naka-sampung taon na ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola. na yesterday nag-renew ng kanilang marriage vows (Saturday- December 14, 2013) sa Silangan Gardens Gallery and this time ay katuwang na ang dalawa nilang mga tsikiting sa misa na idinaos ni Bishop Raul Martinez na siya din nag officiated ng con-celebrated  wedding mass ng dalawa noong December 8, 2003.





Plano ko na dumalo sa kasal nina Mamu Tin at Papu Julius noon. Invited ako personally ni Mamu Tin na kasama ko noon sa Cinema One News kung saan  host siya ng show.

Pinahiram na ako ng magarang barong tagalog ng kaibigang Frederick Peralta sa "Filipina" motiff ng kasal na isinagawa sa isang art gallery sa may bandang Antipolo.



Ang ending, hindi ako dumalo. Hindi kasi ako sanay dumalo sa isang okasyon na naka-pormal. Pakiwari ko, mangangati ang katawan ko sa isusuot kong barong or suit kahit ang dami kong mga kaibigang designers ang magpapahiram sa akin ng outfit for any formal occasions.

 Pero mas nauna yata ang 2nd honeymoon ng dalawa na bumiyahe pa sa ibang bansa bago ang 2nd kasalan ng dalawa kahapon.

Anyway, Congrats kina Julius at Tintin and more... more years of happy marriage to come!!!

No comments:

Post a Comment