Saturday, December 14, 2013

P500K+ for Women for Yolanda Project

Happy sina Mariel Rodriguez, Camille Villar, Shalani Soledad-Romulo, Grace Lee at Rufa Mae Quinto sa success ng kanilang fund raising project na Women for Yolanda na naganap ngayong araw (Saturday, December 14) sa Function Hall ng Star Mall (along EDSA and Shaw Blvd.) dahil na sold-out ang kanilang mga paninda na mga wardrobe, shoes, bags and accecories na minsan nila nagamit na ibinenta nila para makalikum ng funds para sa mga kababaihan na survivors ng super bagyong Yolanda sa Tacloban.

Portion of the sales from Women for Yolanda Project


Ang supposed to be na two days event ( Dec. 14 and 15) ay natapos sa  first day pa lang dahil naubos lahat ng kanilang mga paninda.

Ayon sa Instagram posting ni Peachy (Rufa Mae) nakalikom sila ng almost P500 Thousand pesos.
Nagpapasalamat silang lima sa suporta ng mga fans nila na tumangkilik sa kanilang proyekto.
Ayon kay Rufa Mae, sila mismo ang bibili, magre-repack ng mga supplies na ipapamahagi nila personally sa Tacloban.



 Ang Women for Yolanda Project nilang lima ay iba sa personal relief giving ni Mariel sa mga taga-Cebu kung saan katuwang naman niya ang mister niyang si Robin Padilla.

To Mariel, Camille, Shalani, Grace and Rufa Mae,  Mabuhay kayo!


No comments:

Post a Comment