Saturday, December 14, 2013

Angelina Jolie Off to Tacloban

Sinimulan ni Justin Bieber ang liga ng mga international celebrities na dumalaw sa Tacloban City kamakailan. This time si Angelina Jolie (na kilala worldwide sa kanyang pagtulong at advocacy) ay nakatakda rin dumalaw sa Tacloban para magbigay lakas loob at suporta mga survivors ng bagyong Yolanda.

As of presstime, wala pa ibinibigay na detalye kung kailan to be exact ang dating ni Lara Croft sa Tacloban. Tulad ng padating ni Justine na isang sorpresa, malamang ay ganun din ang gagawin ni Angelina.

Nagtataka lang ako kung bakit palagi sa Tacloban ang konsentrasyon ng panawagan ng tulong para sa mga survivors ng Yolanda gayong ang laki ng sakop ng mga nasalanta ng super bagyo tulad sa Samar, Panay Island, Negros, Palawan at kung saan pa dako ng bansa na hindi nabibigyan pansin ng media at napupuntahan ng mga nagbibigay tulong?

Isa pa, kamusta na kaya ang mga bilyones na naitulong ng ibang bansa sa mga nasalanta ng bagyo? Bilyones yun na dapat ipamahagi at gamitin sa  pagbagon ng mga nasalanta. Hopefully, walang magic na mangyayari or else....


No comments:

Post a Comment