Saturday, December 14, 2013

Kaya Minumulto...Kabaong sa Shooting ng MMFF 2013 na Pagpag Gamit Na!


May duda si Direk Frasco Mortiz (eldest son ng Matinee Idol of the 70’s na si Edgar Mortiz) kung brand new 'yong ataul na ginamit nila sa mga eksena sa MMFF 2013 entry ng Star Cinema na pelikulang "Pagpag" na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


The fact na uso ngayon ang mga cremation sa labi ng ating mga mahal sa buhay, yong iba nagre-rent na lang ng coffin para menos-gastos. Yong iba, matapos isagawa ang viewing or lamay ay idino-donate na lang. Eerie kapag ang ginamit nilang coffin sa mga eksena ay “gamit” na or in short nahigaan na ng patay. 

Pero sa shooting nila sa Pila, Laguna, may ilang mga insidente na ang mga bombilya ng mga ilaw na gamit nila sa set at nagpuputukan gayong wala naman rason. Sabi nga ni Direk na hindi lang sina Kathryn at Daniel ang may nakakapangilabot na experience ng “pagmumulto” matapos ang shooting nila one evening kundi pati sa set, may ilang mga paramdam kung paramdam man ang itatawag mo sa gayong mga kaganapan.

Dahil kaya ang kabaong na gamit nila sa shooting ay minsan na nagamit ng patay? Kung pinapaupahan yong kabaong, malamang hindi lang isa o' dalawang namatay ang gumamit nun.


Abangan ang kuwento ni Kathryn at Daniel tungkol sa pagmumulto sa kanila at baka mangilabot ka at hindi makatulog...

No comments:

Post a Comment