Kahit kailan, never ako na-impress kay Korina Sanchez. Kahit
ang mga fundraising drive niya sa mga iba’t ibang kalamidad noon pa man
bago ang super typhoon Yolanda, personally, hindi ko nararamdaman ang
sinseridad ng kanyang pagtulong.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako naaantig kapag si Ate Koring na
ang nag-iimbita para tumulong. It might be because of her voice or
masyadong matapang ang dating o baka naman behind my mind, alam ko na
asawa siya ni DILG Sec. Mar Roxas na pinu-posisyon ni PNoy para maging PRESIDENTE sa 2016 na ako mismo ay hindi bilib.
Between Ate Koring at Jessica Soho, mas may puso si Jessica para sa akin kaysa kay Korina na napakatigas at matapang ang dating.
Reviewing their magazine show on television very Sunday, I find Jessica’s show more interesting at mas may puso.
Ngayon na nalalagay si Ate Koring sa “negative feedbacks” mula sa
netizens after niyang bakbakin si Anderson Cooper ng CNN sa kainitan ng
rescue and relief operations sa Tacloban (Leyte) na ayon sa
international reporter, he was just stating facts, observations and
experience compare kay Ate Koring na kahit saan mo man tingnang anggulo na nakakulong lang sa air-conditoned radio booth niya sa DZMM (and
she will always defend PNoy’s administration lalo pa’t her husband is
aiming for the “throne” in 2016) hindi maiiwasan na iisipin ng publiko ang kanyang interest dahil ang mister na dating nausyami ang kandidatura para maging Presidente ( at ipinaubayan ni Mar kay Pnoy ang pagtakbo).
Sa ngayon nawawala si Ate Korning. Hindi mo naririnig sa daily radio show niya tuwing umaga at hindi napapanood sa TV Patrol na ang mga spekulasyon ng marami ay suspendido ito ng ABS-CBN.
Pero ang alibi ng mga malalapit kay Ate Koring (lalo na ng kanyang mga publicist- they're just doing their work dahil bayad sila) nasa coverage daw ito to do her story for Rated K.
Biruan ng mga netizens (sa Facebook at Twitter) dapat sampalin si Ate Koring ng mga tsinelas na kinu-kolekta niya na ipinamamahagi sa mga bata para matauhan.