Thursday, November 21, 2013

My Husband's Lover Pinagkaguluhan sa Pagdating sa SFO

Sweet ng mag-Beh.
Pinagkaguluhan ang cast ng beki-seryeng My Husband's Lover (MHL) ng mga Pinoys sa pagdating nila kanina at around 6:32 (PST) sa San Francisco International Airport (SFO). Kabilang ang mga artistang dumating ay sina Tom Rodriguez, Carla Abellana at Dennis Trillo kasama sina Pancho Magno, Victor Basa at Kuh Ledesma ayon sa information sa atin ng West Coast Entertainment Writer and Event Organizer na si JB Adkins with Carla in the picture below.
JB and Lally (Carla Abellana)






The following are the places kung saan magso-show ang cast ng MHL for their " One More Try" concert sumusunod: November 22 (San Mateo Performing Arts); November 24 (Thunder Valley Resort Casino); December 7 (Angeles Centenela Performing Arts Center) at sa East Coast magtatanghal din ang casts sa Maryland at New York.
Talent Manager Popoy Caritativo with his Boys (Dennis & Tom) at In N Out Burger

Kung Ayaw ni Galema Aayawan mo ba si Albie Casino?

HOT! SEXY!Albie Casino ang alleged father ng baby gilr ni Andie Eigenam aka Galema. Look at the photos and imagine na ikaw si Andie. The photos where taken recently sa isang fashion show ng Lat Machine.




Photos: Jing Lenard

Kobe & Andre Paras mga BASTOS!

Hindi naman tama na ke-bago-bago nila sa showbiz ( kung gusto nila sumikat at makilala) ay ganun ang gawin ng magkapatid na sina Kobe at Andre Paras sa mga kasamahan nilang mga artista na naghintay sa kanila sa taping ng Ceberity Bluff ng Kapuso Network na naganap kanina.
Ayon sa post ni Angelu de Leon sa kanyang Instagram and Facebook account si Bobby Andrew (kapareha niya sa naturang gameshow) ang pinakauna na dumating sa mga guests.
To quote Angelu: After the Paras Brothers came in 2 hours late and no apologies from them, na sad talaga ako. Kasi i needed to go back sa taping ng Pyra after Celebrity Bluff kaya ako na-late sa taping ko.
Ang magkapatid na Paras ay anak ng sikat na basketbolista na si Benjie Paras sa dating artista na si Jackie Forster. 
Para sa akin kabastusan ito.
Mabuti na lang mababait ang mga artista na kasabayan nila sa taping. 
Pero dahil sa ginawa ng magkapatid, tuloy si Angelu ang na-late sa isa niyang commitment na siya ngayon ang nagmukhang unprofessional dahil sa kagagawa ng mga pasaway na magkapatid. 
 




Kris Aquino at Boy Abunda Sumugod sa Borongan (Eastern Samar)

Sa sarili nilang kapasidad bukod sa nakikita natin na mga tulong na ginagawa ni Kris Aquino at Boy Abunda sa mga nasalanta at mga survivors ng bagong Yolanda , kung walang aberya ay lumipad patunong Borongan, Eastern Samar ang dalawa ngayong araw (Thursday, November 21, 2013) para mamahagi ng tulong sa mga mga nasalanta.

Philip and Bemz
Kung hindi kami nagkakamali, nakahiram ng private cargo plane si Tetay sa kanyang mga network of rich friends kung saan sasagutin niya ang gastusin sa fuel.
Noong nakaraang Lunes nagsimula na mag-repack ang Make Your Nanay Proud (MYNP) Foundation ni Kuya Boy at mga kasamahan niya sa kanyang larong badminton at ang LGBT Community (together with Bemz Benedito)  para sa dadalhin nilang relief goods sa Eastern Samar ( at kabilang na nga ang Guian, Samar).
Kuya Boy with Angel and Friends

Noong Martes ng gabi, dumating si Angel Locsin na dala-dala ang mga personal niyang tulong and at the same time at nag-repack na rin.
Bukod sa mga personal na tulong materyal (pagkain, banig, kumot, etc.) ng mga kaibigan ni Kuya Boy, Kris at Angel, dala-dala din nila ang mga donations ng taumbayan sa pamamagitan ng Lingkod Kapamilya Foundation. Mabuhay kayo Kuya Boy, Angel and Kris!

Photos: Philip Ababon Rojas



Cong. Lucy Torres at Goma Kumikilos at Gumagawa


Bilib kami sa mag-asawang Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres na ang distrito na kinasasakupan ni CW Lucy sa Ormoc City, Leyte ay isa rin sa nasapul ng bagyong Yolanda.
I have been monitoring the news sa radio at mga balita sa telebisyon at never ko narining na may reklamo at angal si CW Lucy sa kaganapan ng relief operation ng mga tulong ng mga kapwa nating mga Pinoy at taga-ibang bansa sa mga  mga biktima at survivors ng delubyo. In contact kami kay Goma thru Facebook at siya mismo ang personal na sumasagot sa email namin.
 

Read our short email correspondence below the other day:
Question: Kamusta Goms ang Ormoc? Based on data after Yolanda 1 to 2 years pa ba aabutin para mag normalize ang district ni CW Lucy?
Reply niya sa amin: Matagal-tagal din ang rehabilitation process in a lot of badly hit areas like our district. That is why we are hoping that the relief efforts will not stop after a few days. In the coming weeks we will have to start rehabilitating the houses of those who lost their homes. 

We will have to find means and ways to give these people at least, for the moment, temporary employment until their lives have normalize.
Yan ang naglilingkod. 
This morning (Thursday, November 21, 2013) habang nakikinig kami sa DZMM radio show ni Ted Failon; ang tambalang Alvin Elchino at Linda Jumilla ang pansamantala humalili kay Manong Ted, puring-puri ng dalawa si CW Lucy kung paano ito magaling magpaliwanag at logical na pananaw sa sitwasyon na kinakaharap ng contituents niya sa Ormoc at mga issues concerning sa relief operations at ang dahan-dahan na pagbangon ng Ormoc at ang kabuunan ng nasalanta ni Yolanda.

Basta para sa akin, walang drama. Basta kumilos at tunay ang intensyon na tumulong sa mga naiwanan ng mga biktima. Walang "crying scenes" sa harap ng TV camera at higit sa lahat walang TV guesting sa show ni Kuya Germs na WALANG...TULUGAN!