Saturday, December 7, 2013

Carl Guevarra Bokya ang Bakasyon sa Boracay


Hinayang si Carl Guevarra na hindi matutuloy ang Christmas vacation niya with his family sa Boracay. Nakakondisyon na ang isip niya na sa bakasyon ay magpapakasasa siya sa Sun and Sand ng one of the best beaches in the world kasama ang mga mahal niya sa buhay. 
Kaso last minute, bigla nagbago ang plano ng mga kapatid niya na imbis na magsama-sama sila sa Island Paradise, mag kany-kanya sila ng lakwatsa. 
Hindi man matutuloy with his family sa Christmas vacation nila, hindi ko naitanong kung sa Pasko ay makakasama niya si Kris Bernal na ka-M.U. ng guwapong aktor.

Vice Ganda sa Laugh-a-Minute na Girl, Boy, Bakla, Tomboy MMFF Entry



Laugh a Minute ang tawag ni Direk Wenn Deramas sa pelikula niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy staring Vice Ganda na entry ng Star Cinema and Viva Films sa darating na MMFF 2013.
Sa trailer na napanood namin last Saturday noong nanood kami ng Call Center Girl, laugh trip nga ang bawat eksena ng kabaliwan, kalokahan at kagagahan ng apat na karakter na ginagampanan ni Vice sa pelikula.

Imagine na si Vice, aakto bilang Girl, Boy, Bakla ( kakaibang beki acting siya sa pelikula ayon sa kuwento ni Direk Wenn) at ang pagiging Tomboy ni Vice sa pelikula ang isa sa mga karakter na hirap siyang iarte.
Pero naalalayan naman siya ni Direk Wenn para hindi maging O.A. si Vice sa mga karakter na ginagampanan niya.
For the first time in Philippine Cinema, ito yata ang kauna-unahang pelikula kung saan ang bida, ay apat ang karakter na ginagampanan which para sa amin ay mahirap lalo pa’t sa isang shooting day ay paiba-iba ang karakter na ginagampana ng komedyante.


 
Sa pelikula, makakasama niya si Maricel Soriano, Joey Marquez, Ejay Falcon, Kiray Celis at si Ruffa Gutierrez.
         

Ruffa Gutierrez Ayaw Masabit sa Isyu ni Anne Curtis

Tila dito sa Manila magpa-Pasko si Ruffa Gutierrez. Sa katunayan, excited siya na sumakay sa float ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy na entry ng Star Cinema and Viva Films sa darating na 2013 Metro manila Film Festival na pinagbibidahan ni Vice Ganda, kung saan kabilang siya as a support ng komedyante at asawa naman siya ni Joey Marquez sa pelikula.
Pero may plano si Ruffa to spend New Year sa ibang bansa just like ng nakasanayan niya.

When asked about the issue na kinasasangkutan ng kaibigan niyang si Anne Curtis kamakailan na keri nitong bilhin ang kahit na sinong tao (naawa kami kay Phoemela Barranda who recently lost her job sa The Buzz as a stand-upper ng magpalit ito ng concept para pagsabihan nang gayon ng akala naming sweet na si Anne), ayaw magbigay ng komento ni Ruffa. “Basta no comment ako diyan,” iwas sagot niya. Ano pa nga ba?…. waley na nga at pinapatay na ng kampo ni Anne ang isyu.

KC Concepcion in Shoot to Kill: Boy Golden Aprub kay Direk Chito Rono



Bilib si Direk Chito Rono sa kanyang artista sa MMFF 2013 Entry na Shoot to Kill Boy Golden na si KC Concepcion dahil wala ito ka-arte-arte sa shooting nila ng pelikula.
Kahit sa madilim at malamok na mga iskinita sa Kamaynilaan, walang angal si KC at game na ginagawa ang pinagagawa ng kanyang director. 
Kaya nga si Gov. ER Ejercito, producer at leading man ni KC ay hanga sa dalaga ni Megastar Sharon Cuneta.
Wala itong angal kaht nade-delay ang mga eksenang kukunan kahit may personal pa na  lakad ang dalaga.“Very professional siya towards her work,” kuwento ni Direk Chito sa amin mg minsan dumalaw kami sa set ng pelikula one late evening sa tapat ng old fire station sa may bandang Legarda ( sa harap ng  National Teacher’s College).
Maging si Gov. ER saludo kay KC lalo pa’t ayaw ng dalaga na ipagawa sa double ang kanyang mga delikadong mga eksena.
We’ve seen the trailer of the movie at very “Hollywoodish” ikaw nga ang dating ng mga stunts nina Gov. ER at lalo na si KC.

 I remember Angelina Jollie sa pelikula nitong Lara Croft na keri din pala gawin ni KC ang mga action stunts na siya mismo ang may gusto i-execute without the help of any double who recently wont as Best Supporting Actress in the recent PMPC 27th Star Awards for Television for her “maldita” portrayal sa tele-serye nila ni Juday Ann Santos at Sam Milby.