Thursday, January 2, 2014

Korina Sanchez tsugi na sa DZMM Pinalitan ni Amy Perez

Tsugi na si Korina Sanchez sa DZMM!

Ito ang napagalaman namin na ang daily radio show niya tuwing umaga simula alas-diyes hanggang alas-onse bago pumasok sina Julius Babao at Kaye Dacer ay papalitan ng ng bagong tambalan sa radyo nina Amy Perez at Mark Logan na pinamagatang It Takes Two to Sakto Lang simula Monday Jan. 6, 2014.

Kaya pala noong nakikikinig kami kay Ate Koring a few days bago nag-Christmas vacation, nagpapaalam or shal we say naghahabilin na siya sa mga staffs niya sa radyo na magbabakasyon siya.

Hindi diretsahan ang pamamaalam niya na siya'y mawawala na sa ere na matagal din namin sinubaybayan ang kanyang programa.
Sa pakakaalam ko, kapag tsinutsugi na ang isang programa or ang isang radio host, hindi ito pinapayagan na mag-paalam directly sa mga listeners niya just like the previous case ng mga DZMM announcers na minsan na rin umalis o' pinalitan ang program.

Balita namin, ang pagkatsugi ni Ate Koring sa DZMM ay simula ng disimuladong pagsibak at pagkaalis niya sa ABS-CBN Network kabilang ang kanyang radio show; sa TV Patrol at Rated K dahil sa epekto na ginawa niya noong kasagsagan ng  Yolanda at ang isyu tungkol kay Anderson Cooper na lalo naglagay sa kanya na pagdudahan lalo ang kanyang integridad at kedibiidad sa pagbabalita.


Maging ang kanyang Rated K tuwing linggo ay kukunin na rin ang timeslot ng bagong sitcom ng Kapamilya Network na Home Sweetie Home nina John Llyod Cruz at Toni Gonzaga.

As of this writing, balita namin, para maging busy si Ate Koring sa nakasanayan niya na gawain araw-araw  ay muli ito bumalik muli sa pag-aaral.

Sa kampo ni Tita Koring, bukas ang aming blog sa inyong magiging pahayag at paglilinaw basta yong yutoo lang at hndi cover-up or press release.

Mabuhay Ka Vince Tanada at ang Philippine Stagers Foundation(PSF)

Noong 2013, may mga bago kami na-encounter na dadalhin pa rin namin at susundan sa taong 2014 at ito ay ang Philippine Stagers Foundation (PSF) ng kaibigang Vince Tanada na nakilala namin at nagustuhan ang grupo sa last quarter ng 2013.

Vince Tanda as Andres Bonifacio
Mga kabataan na hihubog ni Vince para magka-interest sa sining tulad ng pag-arte sa entablado, pagkanta at pagsayaw kasama na rin pag po-production work.

Ang maganda pa, ang PSF ay nagkakaroon ng summer workshops for free kung saan ang mga participants ay nagiging regular members ng PSF kung saan nagpe-perform sila sa iba't ibang schools  ng mga stage plays at musicals na ang PSF mismo ang nagpo-produce. 

Jordan Ladra as Emilio Aguinaldo

The last two production ng PSF for 2013 na napanood namin were Pedro Calunsod D' Muuuuuzzzziiikkkaaalll starring Vince himself who is so talented who can sing, dance, write and direct stage plays for his team at ang Bonifacio, Isang Sarsuela na nagustuhan din namin.



Bukod kasi sa kanilang mga performances, only last December 28 nagkaroon muli sila ng kanilang PSF Out Reach projects at ang latest ay sa tent city sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Prior to last Saturday’s event, nagkakaroon din ng feeding at teach-in (parang street education) ang PDF team ni Vince sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan.

Cencherry Bagtas as Gregoria de Jesus

Special mention sa mga bagong nakilala namin from the PDF tulad nina Cris Lim na matiyaga mag-reply sa mga text messages namin at si Kevin Posadas na object of affection ni Alex Datu at Glenn Regondola. Special mention din si Jordan Ladra who plays the role of Pedro Calunsod who performed well the first time we got the chance to see the stage musical.
By the way abangan ang movie na Esotereka Manila starring Ronnie Liang with Snooky Serna kung saan kasama din si Vince at ang mga performers ng PSF  this January.
  
Today, January 2, 2014 nag-resume ang shooting ng pelikula sa direcksyon ni Elwood Perez.