Tuesday, November 19, 2013

Tacloban Mayor Alfred Romualdez is Mayor na "Ewan"?

I was watching News to Go on GMA NEWS TV this morning (Tuesday, November 19, 2013) at naloka ako kay Taclocan City Mayor Alfred Romualdez. 

Tinatanong siya nina Howie Severino at Kaŕa David kung ano ang datus ng pinsala sa kanyang kinasasakupan matapos sinalanta ng bagyong Yolanda pero umiikot-ikot siya na walang diretsahang detalye na masagot.
Hindi ko alam kung bakit. Nangangapa siya at walang datus na maisagot na para siyang bata na nagsusumbong sa harap ng kamera during the live interview na ang laruan niya ay natapakan, nawarak at inanod ng baha. 
Kumikilos na ang mga taga-Tacloban para makabangon at maisaayos ang mga buhay nila pero si Mayor Romualdez, parang "Mayor Ewan" na nakalutang pa rin.  
Move on Mayor Alfred. Start planning on how to rebuild your city. Kilos na.

Photo: Edgar Su/Reuters

Ms. Gloria Diaz Hina-hunting ng mga Taga-Sicogon Island

May ka-meeting kami someone from an NGO (legit and not associated with the Napoles) last night Monday, November 18 who seek assistance to connect with Ms. Gloria Diaz because the locals of Sicogon Island (bahagi ang isla ng Carles, Iloilo) of the Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa film in the 70's are being displaced by a private corporation (SIDECO) with almost 70 armed private armies na sinisira ang mga bahay nila aside from the fact na devastated din sila ng bagyong Yolanda.
The owner of the island (a rich family from Iloilo & Bacolod) are developing the island to be the next Boracay and is setting up a private resort. 


 This families from the 3 Barangays in the island na karamihan sa mga matatanda tulad nina Nanay Thelma ay personal nakadaupang palad ang dating Ms. Universe na minsan ay nagtahe ng damit ni Ms. Gloria sa pelikula kung saan doon nag-shooting sa Sicogon noong mid-70's ang aktres. Humingi sila ng ayuda na suportahan sila ng aktres sa kanilang laban para hindi sila sapilitang mapaalis sa isla na  kinukuha ang kanilang mga gamit ng mga armed guards na itinalaga ng pamilya the fact na ang mga sakahan ay nai-award na sa kanila at may titulo under CARP sa panahon ng dating President Corazon Aquino. 


Sa kasalukuyan, hinahanap ng mga  taga-Sicogon si Ms. Diaz para mahingan ng tulong sa kanilang sitwasyon. Sa ngayon pinamumunuan ng Pamilya Macario ang tumatayong lider ng mga organisadong naninirahan sa isla.







Sylvia Sanchez Kabado sa Akting ng Anak na si Ria Atayde

Noong una, kabado ang kaibigang Sylvia Sanchez sa  attempt ng anak niyang si Ria Atayde sa special appearance ng dalaga sa wedding reception scene ng bagong kasal na sina Ser Chief at Maya as the Reception Host sa hit morning serye na "Be Careful with My Heart" na mapapanood until bukas (Wednesday, November 20) ang mga eksena niya.
Ria is the second child of Ibyang ( Sylvia's nickname) and Art Atayde and a LiaCom graduating student at the DLSU and the university's Student Council Secretary.
Sylvia and Ria
Kuwento ng aktres sa amin: "Kabado siya noong una, kasi hindi naman nagho-host yan sa mga weddings, sa school nila nagho-host siya ng mga events pero maliitan lang yun. Yong mga ganun klaseng hosting lang ang ginagawa niya. Sa serye, buong followers ng Be Careful...makakakita sa kanya kaya kabado ako," panimula ni Sylvia sa amin.
Noong una kabado ang aktres sa magiging acting ng anak: "Pero nung narinig ko nung sumalang na sya at nag-deliver ng kanyang spiels kumampante na ako at na-relax at naramdaman ko na kaya ng anak ko. Nakuha kaagad niya ang tiwala ko," dagdag ng aktres.
Ngaragan nga daw ang taping noong araw na yun ayon sa kuwento ni Sylvia sa amin. "Mula  alas-otso ng umaga hanggang 4:00AM ng madaling araw the following day , wala ako narinig na reklamo sa kanya. Kami mga artista, sanay kami sa puyatan at ngaragan pero ang anak ko, humanga ako na hindi nag-inarte."
The cast with Aiza Seguerra, Sylvia Sanchez, Marissa Delgado & Ria

Ang gusto ng parents ni Ria ay maging Journalist-Newscaster ang dalaga.
"Yan ang gusto ng daddy niya na maging part ng CNN at BBC or kung ano man international news agency or station kasi magaling magsalita at matalinong bata at sa school kaag my mga projcts 'o kailangan gawin na kailangan ng isang mamamahala sa grupo laging sya yon. Matapang na bata si Ria na kung kailangan pumunta sa isang lugar at mag-research para sa school pupuntahan nya yun, di ba mga newscasters and journalists my mga pagkakataon na kailangan nila andun sila sa lugar na binabalita nila? Ganun si Ria," pagmamalaki  ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak.

Photos: Andrew Ricafort