Monday, November 25, 2013

Michael Pangilinan ang "Kilabot ng mga Kolehiyala" celebrates birthday with 18MPH

Bukas na ang birthday celebration ng guwapong si Michael Pangilinan with a fund raising concert dubbed  18MPH (Music in Perfect Harmony) na magaganap sa Zirkho-Tomas Morato sa Quezon City na ang part ng proceeds ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Iloilo.
At sa kanyang birthday celebration, ang newcomer na tinaguriang bagong "Kilabot ng mga Kolehiyala” na dati’y tawag kay Hajji Alejandro ay masaya to celebrate it with a concert and share his blessings sa mga nasalanta ng bagyo.



One thing nice about the concert, ang daming supporters ni Michael na magpe-perform sa kanyang birthday concert tulad nina Carlo Aquino, Jimmy Bondoc, Luke Mejares, Aljur Abrenica at maraming pang iba. Isa sa mga erformer na hindi inaasahan ni Michael na personal na nag-volunteer to be part of his concert ay si Allan K. 




This year Michael launched his first music CD " Bakit Ikaw Pa?" na produced ni Vehnee Saturno and Jobert Sucaldito (his manager) released by Star Records. Personally, like ‘ko yong  awitin ni Pabs Dadivas (kasabayan nina Haddji at Basil Valdez) na Kung Sakali na ni-revive ni Michael para sa kanyang CD. Michael is a product of X Factor (one of the semi- finalist) and is part of German Moreno's Master Showman "Walang Tulugan Show".

Sylvia Sanchez Proud Nanay ni Arjo Atayde!

Proud Nanay si Sylvia Sanchez sa mahigpit na yakap sa anak ng i-announce na si Arjo Atayde ang nanalo as 27th PMPC Star Awards for Television Best Supporting Actor para sa kanyang performance sa afternoon seryeng Dugong Buhay ng Kapamilya Network sa ginananap last night (November 24, 2013) sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.




Pangarap at dasal ni Ibyang na matupad ang mga pangarap ng anak niya sa showiz ay dahan-dahan naman naisasakatuparan. Ang picture na ito na kuha ng kaibigang Andrew Ricafort at last night event says it all. No need for a poetic caption kung gaano kamahal ng aktres ang kanyang binata.
After Dugong Buhay, balita namin may gagawin bagong teleserye si Arjo na halaw sa isang Korean Tele-Novela sa first quarter of 2014.
Congratulations Arjo! I know, proud Nanay ka Byang!

PILIPINAS under RED ALERT!

From an appointment sa St. Scholastica College sa Singalong yesterday (Sunday,November 24, 2013) to watch Pedro Calunsod D' Muuuzzziikkalll written and directed by Vince Tanada's Philippine Staggers Foundation; tumuhog ako sa AFP Theater para sa Star Awards. Padating sa 15th Avenue gate ng Camp Aguinaldo, sabi ng Military Police naabutan ako ng curfew.







Bawal na pumasok ang taxi. Bawal na rin maglakad papasok from the gate to Star Awards venue which is almost 500 meters away. Kung gusto ko daw pasundo ako sa may gate at papayagan ako makapasok. Decided na huwag na lang at mag-monitor na lang ako sa mga ibinabatong kuwento ng mga kaibigan sa loob ng AFP Theatre. Sabi nga pala ng military police na nagbabantay sa gate last night naka-RED ALERT sila ngayon. Hindi na ako nag-urirat kung bakit? 




May coup ba 'o pagaaklas o may tumiwalag sa AFP bosing laban sa Commander in Chief nila na si Pnoy dahil ang relief na dapat naipamahagi na sa mga naiwanan nila sa Leyte, Samar, Panay at Palawan na nasalanta ni Yolanda ay nakatago pa rin sa mga bodega.
Balita ko nga, ang mga iinamamahagi ng SDWD at ng gobyerno natin ay mga luma at nabubulok na relief goods from last year's bagyo.




Naalala ko noong kauupo pa lang ni Tita Cory nun na kaliwa't kanan ang mga pagaaklas ng mga militar laban sa kanyang pamunuan. Sa panahon ng anak niyang si Pnoy wala pa yatang coup na naganap.

Ewan! Nag-kape na lang ako sa Mc Donald's bago umuwi na na-enjoy ko pa.

Vilma Santos Nagsinungaling sa mga taga-Tanauan (Batangas)

Okey na sana nang sabihin ng office ni Batangas Gov. Vilma Santos na hindi siya makararating sa 1st Tanauan Batangas Dragon Boat Festival noong Sabado (November 23, 2013) ng umaga sa dalamasigan ng Barangay Wawa at Boot sa Tanauan sa pamamagitan ng imbitasyon ni Mayor Thoy Halili.

Nang malaman ng mga in-charge sa pag-iimbita ng mga guests na hindi puwede si Governor Vi sa araw na ‘yun at nasa Amerika siya (tulad sa idinahilan sa kanila), nalungkot ang mga taga-Tanauan lalo pa’t maganda sanang promotion ito sa turismo ng bayan. Pero oks lang sa mga constituents ni Gov. Vi dahil naintindihan naman nila. Nagbabaka-sakali lang sila na sana makapag-grace si Ate Vi sa kanilang okasyon.
Pero noong umagang ‘yun, tila nagkabukingan. Dumating ang Provincial Tourism Officer ng Batangas para dumalo sa event. Nang tanungin siya about Gov. Vi kung si Governor ay natuloy sa isang out of the country trip (USA); nagulat ‘yong taga-Tourism office na parang nagtataka. “She’s just here,” wika niya sa ilang mga town officials na sumalubong sa kanya at nag-asikaso.

In short, nabuking na si Ate Vi and your Batangas Governor ay andito lang pala sa ‘Pinas at tinanggihan (kung ano man ang rason ni Ate Vi) ang imbitasyon para dumalo sa isa sa malalaking event ng kanyang lalawigan that can help Tanauan City at ang mga taga-roon kung sakaling mag-click ang naturang event na planong gagawin on a yearly basis.
Tuloy, naikumpara si Gov. Vi at si Gov. Joey Salceda of Albay na ‘di hamak na kakain ng alikabok si Ate Vi sa bilis, sipag at debosyon sa kanyang trabaho at paglilingkod sa kanyang mga kinasasakupan.
Tuloy tanong sa amin ng isang kaibigan, “Sinu-showbiz ba ni Gov. Vi ang invitation? Kung kailan lang niya gustong umapir  o ayaw lang niyang magising nang napakaaga dahil ala-sais pa lang nagsimula na ang programa?”

Pero kahit wala si Ate Vi sa event na yun nairaos ang 1st Tanauan Dragon Boat Festival na dinaluhan ng iba't ibang dragonboat rowers. Hopefully next year this will be a bigger event at plano ng mga tagapamahala na mag-invite ng mga Internationale teams para mas malaki ang event which I personally enjoyed.