Wednesday, January 1, 2014

Arjo Atayde BAKLA!

Hindi mo agad makikilala si Arjo Atayde na siya yong babaeng mahaba ang buhok at naka-make-up. Nakabihis babae kasi ang PMPC Star Awards 2013 Best Supporting Actor for Television sa kauna-unahang gay role niya sa telebisyon para sa MMK sa darating na Saturday, January 4. 

Isang bakla ang role ni Arjo sa episode ng MMK with a working title na “Gay Parent” sa direksyon ni  Raz dela Torre.



 He plays a “bading” parent na romantically involve kay Felix Roco at makakasama niya sina Assunta de Rossi, Dindo Arroyo at Ella Cruz. 

Bilang isang bading na ama; papaano niya bubuhayin at ipaglalaban ang kanyang pamilya ang siyang tatalakayin at mapapanood sa kauna-uahang episode ng MMK for 2014.

After portraying his first gay role on television, magandang karanasan ito para sa aktor para maintindihan pa lalo ang mga gay friends niya at ang mga bading sa pangkalahatan. Remember, her mom actress Sylvia Sanchez is also a gay icon na left and right ang mga kaibigang mga bekis at no doubt na madali nakapag-adjust si Arjo sa mundo ng mga gay, bakla, bayot, agi and whatever you call men who loves men.


Sabi nga ng aktor:” I have huge respect sa mga gays. I grew up with gays. Si Mommy, most of her friends ay badings kaya no problem sa akin. Mas tumaas pa lalo ang respect ko sa kanila after my MMK role,” kuwento niya sa amin. 


Ito ang pangatlong MMK anthology na nilabasan niya. The first was the “Bangka” episode kung saan napansin ang galing niya sa pag-arte at hinirang siya as PMPC’s New male TV Personality for 2012. 


Ang pangalawa ay ang episode nila ni Kiray Celis na “love story” ang peg kung saan isa siyang tricyle driver na in love sa dalaga at ito ngayong pangatalo na ginagampanan naman niya ang role ng isang beki. 

Sa amamagitan ng MMK, naiaamalas ni Arjo na hindi lang siya sa mga guwaing sa kuwadra ng Star Magic kundi marunong din siya umnarte na naatunayan na rin naman niya yun sa mga nakaraan niyang mga acting projects.  " Ang wish ko for 2014 magkasama sana kami ni Mommy sa MMK) " na isa sa mahalagang trabaho na hinihintay ng young actor.
 
Abangan din si Arjo sa first quarter ng 2014 sa bagong rom-com(romance comedy) teleserye niya sa primetime na halaw sa isang sikat na Korean Telenovela na " Pure Love".