Friday, December 20, 2013

Direk Wenn Deramas Happy kay Vice Ganda para sa Girl, Boy, Bakla,Tomboy


Huwebes ng umaga, maganda ang gising ng komedyanteng Vice Ganda at nakakuha siya ng magandang mensahe mula sa direcktor niya na si Direk Wenn Deramas dahil 100% na tapos ang kabuunan ng pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy mula sa dubbing, editing, sound, etc. at ready na ito i-submit kay MMDA Chairman Francis Tolentino.

Proud na proud si Direk Wenn sa outcome ng pelikula nila ni Vice. Hindi nasayang ang hirap at effort nila na mapaganda ang entry nila sa darating na MMFF 2013 na produced ng Star Cinema at Viva Films.


Pero say nga ni Direk Wenn, dapat paghandaan ni Vice ang susunod nilang project dahil mas mahirap at mas madugo ito pag nagkataon sa muli nilang pagsasama. 

Hindi man nagmamayabang, alam ni Direk Wenn kung ano ang magiging ranking nila sa box-office pag nagsimula na ipalabas ang pelikula sa darating na December 25.

Sa katunayan,binabati na ni Vice ang  kaibigan  na si Kris Aquino sa pagiging pangalawa sa kanila para sa pelikula naman nito with Bossing Vic Sotto at ang dalawang bulilit na sina Raizza Mae Dizon at ang anak niyang si James Yap Jr. na mas kilala natin as Bimby.

Direk Frasco Santos Mortiz of Pagpag (Siyam na Buhay) May Pinagmanahan



Panganay na anak ng dating Matinee idol na si Edgar “Bobot” Mortiz ang anak na director na si Frasco Santos Mortiz.

Proud si Direk Frasco na nakuha niya ang talent mula sa ama dahil sa kanilang apat na magkakapatid, tatlo sa kanila ay nagta-trabaho sa showbiz.

Siya na panganay na minana ang galing sa pagdidirek ng ama sa mga sitcom at pang bagets at pambatang mga palabas sa Kapamilya Network like Goin Bulilit.

Yong pangalawa na on the side nagdi-direct din na kasama niya sa Goin Bulilit ay more of a writer.

Ang pangatlong anak ni Bobot ay sa Kapamilya Network din nagtatrabaho sa Production Department at ang bunso at pang-apat ay non-showbiz.

Kuwento ni Direk Frasco, matagal na sila magkakilala ni Kathryn Bernardo. "Nasundan ko siya kahit papaano. Halos lumaki na yan sa Goin Bulilit sila ni Julia Montes,” proud na panimula n Direk sa amin,

Kaya nga ng malaman niya na siya ang magdi-direk ng movie na Pagpag (Siyam ang Buhay) na MMFF 2013 entryng Star Cinema at Regal Films ay natuwa siya. Parang extension ng kiddie shows nila noon ang pagsasama nila muli ng dalaga.

Sa katunayan, sa only horror movie entry sa MMFF na magsisimula na sa December 25, halos lahat ng mga supporting cast nina Kathryn at Daniel ay lumaki na kasama niya sa Goin Bulilit.

 “Kaya it was easy for me to work with Kathryn dahil nasanay na kami sa work attitudes namin,” pagmamayabang ni Direk Frasco sa kanyang artista.
 
Sa mga hindi nakakaalama, si Drek Frasco din ang nag-direk ng pelikulang The Reunion nina Enchong Dee, Xian Lim, Kean Cipriano at Enrique Gil at ang episode nina Pokwang at Sam Milby sa 24/7 (Motel episode) kung saan all-star cast ito na loaded ng mga Star Magic artists.

KC Concepcion Walang Isyu Laban kay Angel Locsin


Iba talaga kung may pinagaralan at edukado. Hindi sila mapagpatol sa isyu.

Kaya kahit anong intriga ng press kay KC Concepcion laban kay Angel Locsin, hindi pinapatulan ng dalaga ang issue, lalo na ang mga bashers niya sa Twitter ( na mga walang bayag at pekpek dahil they don’t identify who they really are).

There is no reason na mag-react siya sa pangi-intriga sa social media dahil ang tutoo ay walang isyu.

Hindi sila pwede pagawayin ni Angel who is as prim and proper just like her na wala din masamang sinasabi against KC.


Kapag may breeding (both of them) they just shrug their shoulders at deadma na lang.
Kaya nga sabi ng manager ni Angel na si Manay Ethel Ramos, kung may issue man between KC and Angel, it’s the shampoo that both actresses are promoting na mag-kaiba at magkalaban.  

Sa Monday, excited si KC to watch her first action film na Shoot to Kill: Boy Golden under the direction of Chito Rono na MMFF 2013 entry nila ni Laguna Gov. ER Ejercito na magkakaroon ng premiere night sa SM MOA.

 Expected sa Lunes na manonood kasama ni KC ang ina na si Megastar Sharon Cuneta at ang mga kapatid ng aktres.

Ang Pangako ni Gov. ER Ejercito kay FPJ

 Dahil sa kanyang pangako kay The King Fernando Poe Jr. na kahit minsan sa isang taon ay gumawa siya ng pelikula para matulungan ang mga malilit na trabahado r sa movie industry, sinisikap ni Laguna Gov. ER Ejercito na makagawa ng kahit isa kada taon na nasimulan na niya sa pagsasapelikula ng Asiong Salonga at El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story.

This year, tulad ng kanyang pangako, kahit hirap siya sa shooting schedule, nairaos ni Gov. ER for 45 working days ang pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden, kung saan sa galing ni Direk Chito Roño, malamang ma-nominate na naman si Gov. ER as Best Actor kung walang mamumulitika sa pelikula niya.
Maging ang leading lady niya na si KC Concepcion na first time gagawa ng action film, naniniwala si governor na makukuha nito ang Best Actress award. “Kung hindi niya makuha, malamang, nadaya si KC,” paniwala niya.
 

Maging si Direk Chito, bilib sa disiplina na ipinakita ni Gov. ER lalo na ng kanyang female lead dahil sa pagiging fragile ni KC, nagawa nito ang delikadong action stunts na mala-Angelina Jolie sa pelikulang Lara Croft, kung saan bukod sa pakikipagbarilan; may mga eksena ang aktres na makikipaghabulan sa ibabaw ng bubungan na palundag-lundag sa tulong ng Thai stunt director nila.
Knowing Direk Chito, expect something new sa obra niyang ito na palagi naman, kapag may pelikula siya, may bago tayong nakikita.

By the way, si Gov. ER tulad ng kanyang pangako kay FPJ na tutulungan ang mga maliliit na trabahador sa movie industry ay gagawa next year ng pelikulang pambata tungkol kay Mariang Makiling at Pedro Penduko na sisimulan niya by March 2014.



Sa Lunes, December 23, premiere night ng pelikula ni Gov. ER sa MOA at ang regular showing ng pelikula ay sa araw ng Pasko.

Vice Ganda's Boracay Holiday with the Boys naka-Chartered Flight

Deserving si Vice Ganda na regaluhan niya ang sarili  ng mamahaling sports car ngayong Pasko.
Kaliwa’t kanan naman kasi ang effort niya na kumita para sa kanyang pamilya.
 
Sa pagod sa shooting at promotion ng pelikula niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ng Star Cinema at Viva Films na showing na sa December 25, oks lang na regaluhan niya ang sarili kahit magkano man ang halaga.


Akala nga namin after the Gabi ng Parangal ng MMFF ay saka pa lang lalarga ang komedyante sa kanyang pabolosang  bakasyon sa isang undisclosed destination kasama ang bago niyang boyfriend na isang basketboloista.

But yesterday (Thursday) umabsent siya sa It's Show Time para magpahinga sa island paradise ng Boracay kasama ang kaibigang designer na si Paul Cabral at mga goodlooking and young hardcourt heartrobs (3 yata sila)

Sakay ng 8 seater chartered flight ( almost P150,000-P200,000 per flight ang rental aside from the extra fees) umiskapo saglit ang komedyante with the "Boys"

Ang balik ni Vice ay sa Sabado just in time para sa Parada ng mga Artista.



Daniel at Kathryn Suportado ni Mother Lily sa Pagpag (Siyam ang Buhay)

Tulad ko na mahilig sa horror movies, nakami-miss ang Shake, Rattle and Roll series ni Mother Lily Monteverde ngayon pa na walang entry na SRR for the MMFF this year.

Nakasanayan ko rin kasi at ng publiko (lalo na ang mga teenagers) na tuwing Kapaskuhan, kasama sa mga nakolektang Christmas gifts (uso na ang sobreng may lamang two hundred pesos kaysa sumakit ang ulo mo sa pagki-Christmas shopping) na manood ka ng SRR.

Noon pa man, may gulat factor ang mga pelikula ng Regal matriarch tuwing Pasko. Kaya nga kasama palagi ang pelikulang kakatakuhan ni Mother Lily sa mga pinipilahan ng publiko.
Pero kahit wala man ang kanyang SRR series this Christmas, nakipag-co-produce naman ang Regal Films niya sa Star Cinema sa isang bagong horror genre ang pelikulang Pagpag (Siyam na Buhay), kung saan ang pinakamainit at pinakasikat na teen idols ng makabagong panahon, sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang siyang mga bida.

Sa trailer noong una kong napanood, tatlong beses akong nagulat. Tipong may promise ang pelikula ni Frasco Santos Mortiz as director na panganay na anak ni Edgar “Bobot” Mortiz.

Kuwento nga niya, sa dami ng mga paniniwalang Pinoy tungkol sa mga pamahiin natin tuwing may patay o mayroon tayong lamay na pinupuntahan, mahirap isiksik ang iba’t ibang mga kuwento based sa mga paniniwala natin at nakaugalian.
I’m sure, dahil ang Pinoy, nasanay na sa tuwing MMFF ay nanonood ng horror movies, pila-balde na naman ang tao sa takilya nito.