Kahit mahirap ang buhay ngayon, hindi rason para sa PPL
Entertainment na management company nina Dingdong Dantes, Wendell Ramos,
Carl Guevarra, Jolina Magdalangal, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap,
Max Collins at Angelika dela Cruz na magpasalamat sa showbiz press na
tumulong sa kanila sa taong 2013 with a simple Christmas Party.
Hindi nag-inarte si Perry Lansingan at ang mga artists niya sa
konting kakayahan nila para ibahagi sa showbiz reporters and writers ang
kanilang konting nakayanan bilang pasasalamat sa tulong at supporta
namin sa mga PPL Talents.
Super O.A. sa akin na ang mga Christmas party (isa itong form of
appreciation of gratitude) sa mga taong tumulong sa ‘yo ay kinansel ng
ibang kompanya dahil sa bagyong Yolanda.
Naiintindihan ko ang hirap na dinaranas ng mga survivor, pero dapat
bang kalimutan na minsan sa isang taon ay bigyan mo importansiya at
pasasalamat ang mga taong nakatulong sa iyo at deadmahin ang pasasalamat
dahil sa isang kalamidad?
Feeling ko nga, over-kill na ang tulong ng mundo sa mga survivors na
pakiwari ko’y ilang billions in cash at supplies na ang umaapaw na
tulong na parang hindi naman nakararating sa mga survivor.
Sa konting kakayahan ng PPL Entertainment, ‘yong cash token nila sa
press na binawasan nila ng P100 para maging share namin sa
ipinatatayong mga classrooms nila sa Estancia, Iloilo headed by
Dingdong’s Yes Pinoy Foundation is a sincere gesture at hindi
over-acting sa amin.
We love the concept. Ito ang totoong sharing na waley ka-eklatan at ka-O.A.-yan.
Maraming salamat PPL Entertainment and Talents.