Monday, December 30, 2013

Paolo Avelino Pursigido Suyuin si KC Concepcion sa 2014

Mula ng magpahayag si KC na for 2014 ay dapat may boyfriend na siya, tila ganun na nga ang plano ng aktor na mag-pursige para masungkit ang matamis na "yes" ng dalaga.

Aside from his busy career with the teleserye Honesto ( right after TV Patrol) na halos every other day ang taping ( kung hindi man araw-araw, may malaking project ang aktor for 2014.

The other night, pinanood namin ang pelikulag Pagpag (Siyam na Buhay) and in fairness magaling si Paolo at si Shaina Magdayao who plays his wife.

Ilang beses din kami nagulat sa mga eksena na tuwing nanonood kami ng pelikulang tulad nito, dapat may shock-boggie factor kami na maradaman para ma-enjoy namin ang isang horror movie.

Ngayon na halos patapos na ang Kapaskuhan, mukhang ang concentration ni Paolo ay ang pagigihin ang panliligaw kay KC lalo pa't aminado ang dalaga na may "kilig" moment siya kapag si Paolo na ang ka-text niya. 

Itong nakaraang Christmas Season free time lang ng aktor ang December 24 and 25. I just don't know kung natuloy ang bakasyon niya with his son na balita namin ay sa Baler (Aurora Province) sila naka-schedule na mag-spend ng Christmas ng anak niya kung wala itong changes.

Sa  2014, kung ano man ang ending ng panunuyo ni Paolo kay KC ay abangan nga natin kung masusungit ng binata ang pihikang puso ng dalaga.


 


Mga "Showbiz" Jurors sa MMFF mga Luma at Pase'

May kontrobersiya ang katatapos lang na MMFF Gabi ng Parangal  noong nakaraang Friday, December 27 na ginanap sa Meralco Theater kung saan ang isang Graded "A" na pelikula Shoot to Kill: Boy Golden na hinirang ng Cinema Evaluation Board (CEB) ay walang naiuwi man lang na award sa kategoryang creative at technical except for a pa-"Konsuelo de Bobo" na Best in Float.
 
Direk Laurice Guillen

sa Sino-sino ba ang mga jurors na pinagkukuha ng MMFF ?

Balita namin noong simula from the ranks of ordinary or real “people” ang mga jurors na pinili nila mula from all walks of life. From what we’ve heard, may isang elementary school teacher from a Tondo school; may isang tindera sa palengke sa Kamuning Public Market; a Taxi driver, a graduating film student and a cchurch Pastor 

Ang latest na nabasa namin sa  PEP (December 29, 2013)  kabilang sina Laurice Guillen ( na nag-deteriorate ang galing ng mag-teleserye sa GMA 7); Emmanuel Borlaza (Vice Chairman ng MTRCB na retired na dapat);Romy Vitug dating sikat at kilalang cinematographer  na sabi may kalabuan na ang mga mata at si Edgardo Vinarao na isang film editor from nineteen "Kong-kopong"  na ang huling inedit na obra ay nakalimutan na.

Fr. Tito Caluag (in blue) and DepEd Sec. Armin Luistro
Kabilang din ang isang paring showbiz na showbiz na si Fr. Tito Caluag na mas gusto magpa-picture with the celebrities na always visible sa mga events ng Kapamilya Network; ang Beauty Queen na si Ariella Arida (beauty contest ba ito or model search?) at si Cristine Dayrit na isang travel columnist who reviews  food and restaurants, resorts and hotels na ewan ko kung ano ang kinalaman sa pelikula kahit kabilang siya sa Cinema Evaluation Board and the rest walang saysay sa paglikha at paghubog ng magandang pelikula para panoorin at pagkuhanan ng magandang moral values.

Sa susunod, pagkakatiwalaan mo pa ba ang MMFF at ang pamamalakad ng MMDA sa film festival na ang traffic nga sa buong Kamaynilaan ay hindi maresolba?

Sa mga "showbiz jurors; I suggest that  Ms., Laurice na mag-concentrate na lang sa Cine Malaya (saludo ako sa gawa mo sa puntong ito at huwag na mag- teleserye); kay  Maning Borlaza, Mang Romy at Mang Ed na dapat ine-enjoy na ang kanilang retirement. 

Tuloy, masisisi mo nyo ba ako na ang MMFF as always parang perya? Kung sabagay, kailan nga ba hindi nawalan ng intriga ang MMFF? Ihablin ba naman ang isang film festival sa mga Mayors na ang dapat atupagin ay ang traffic sa Metro Manila, ang mga "shabu tiange" sa kanilang kinasasakupan at ang mga nagkalat na mga basura sa lansangan and last but not the least ay ang mga kalsada na binabaha tuwing panahon ng tag--ulan.


Gov. ER at Shoot to Kill: Boy Golden na Graded "A" Pinulitika sa MMFF

There’s only two films sa current MMFF that was Graded A by the Cinema Evaluation Board (CEB) na sa layman’s term, the film will get a 100% Tax Rebate dahil sa ganda ng kabuunan ng pelikula.

Not all films kahit maganda ay nabibigyan ng ganitong recognition na mula sa gobyerno. Ang pelikulang 10,000 Hours nI Robin Padilla na humakot ng awards last Friday, December 27 sa Meralco Theater ay isa sa binigyan ng ganitong recognition. Second na binigyan ng Graded A ay ang pelikula ni Gov. ER Ejercito na Shoot to Kill: Boy Golden na dinirek ni Chito Rono na last Friday, na  ang pelikula got only a Konsuelo de Bobo  “Award” for Best in Float (na tunay na pinaganda).

 Pero after last Friday’s  kaengotan, buong bayan nagtatanong, bakit iniinsulto ng MMDA at MMFF ang sensibility ng Filipino movie going public sa nangyaring Gabi ng Parangal.
Sa simula, after learning that Robin’s film and Gov. ER’s Shoot to Kill: Boy Golden were Graded A by the (CEB) sabi ko, ang dalawa ang mag-pupukpukan sa award.

From the technical and creative category, ang dalawang pelikula ang maglalaban-laban.         
But to my dismay it was a mistake. Robin’s 10,000 Hours took home most of the major awards and Gov. ER’s film only got an award for Best in Float.    

Ano nangyari sa MMFF? Nahilo?

Insulto yong ginawang KONSUELO DE BOBO "Award" na ibinigay nila sa pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden.

Sa walong pelikula na naglaban tatlong pelikulang Graded B by the CEB ang pumuwesto sa Best Picture category na pinanalunan ng 10,000 Hours na sinundan ng  Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Vice Ganda and last as 3rd best Picture ay ang My Little Bossings.
Kung matino ka na Pinoy na manonood ng pelikulang Pilipino, paano mo i-explain ang pangi-insulto na ginawa ng MMFF/MMDA (na sila ang nagpapatakbo ng festival) sa isang pelikula na hinirang na Graded A?


Para sa akin, isang malinaw na pamumulitika na naman ito para sa Laguna Governor na ever since na naupo ay very vocal sa kanyang obserbasyon sa pamahalaang Pnoy kung sa panahon ng Martial Law with the troika of Ferdinand Marcos, Juan Ponce Enrile and Fidel Ramos(at isama na ang military man na si Fabian Ver) ang mga kalaban nila ay may bikig sa lalamunan. Madaldal ka at pintasero sa kanilang rehimen, asahan mo bigla ka maglalaho sa ibabaw ng lupa.

Kaso, wala tayo sa panahon ng Martial Law kaya siguro hindi rin  alam ni Pnoy kung papaano patatahimikin si Gov. ER.

Sa pamamagitan ng effort ni Gov. ER na gumawa ng pelikula para makatulong sa mga maliliit sa industriya ng pelikulang Pilipino, marahil, ang pangdadaot sa kanya sa pamamagitan ng MMFF ang bala ng pangkasalukuyang gobyerno para ipamukha kay Gov. ER na talo siya sa laban (in all aspect).

Three years in a row. Nakakapagod na rin na paulit-ulit ang ganitong istratehiya ng kalaban.

Kung ako sa MMDA, tuwing Pasko, asikasuhin na lang nila ang trapik sa buong Metro Manila lalo na during the Parade of Stars at hayaan ang pamamahala sa kabuunan ng film festival sa mga taga-industriya ng pelikulang Pilipino.


Dyahe, heto ang toilet paper, punasan nyo ang mga mukha nyo. Hindi po ako Bobo or shall I sila- sila sa MMDA at MMFF.