Tuesday, December 24, 2013

MMFF Entry Shoot to Kill: Boy Golden Graded "A" ng Cinema Evaluation Board



Akala ko at first it was just another Pinoy Action film na ang kuwento ay ang kagilas-gilas na suntukan, barilan, kaliwa't kanang mga action stunts ng bida laban sa kanyang mga kaaway. 

Dagdagan mo pa ng engkuwentro at tunggalian ng bida at ng kanyang mga kaaway na ang barilan ay eksena isa laban sa sangrekwang mga goons at kumpleto na ang elemento ng isang action movie na ang bida ay "macho" at kagilas-gilas para magka-interest ang regular action film fanatics para panoorin ang isang pelikula. 

But not with Director Chito Rono na first time gumawa ng isang pelikulang aksyon na alam natin hindi forte ni Direk Chito ang MMFF 2013 entry na Shoot to Kill: Boy Golden na bida si Gov. ER Ejercito pero naikuwento niya ng malinaw at na-execute ang mga eksena at mga karakter sa pelikula na maayos. 

Halos lahat ng mga supporting characters  tulad nina Tonton Gutierrez, John Estrada, Jhong Hilario, Gloria Sevilla at Mr. Eddie Garcia ay naipakilala niya ng maayos na kahit sinong manonood ay magkakainteres alamin ang bawat karakter at madali maiintindihan kung ano ang papel nila sa buhay ng "guwaping" na hoodlum na si Arturo Porcuna ( isang real life character in the 50's) na una nakilala sa alyas na Anino na kinalaunan ay nakilala bilang si Boy Golden.  



The fact that the film was Graded A by the CEB, patunay lang na maganda ito na kami rin mismo hindi nagkamali na after watching the film, ito ang pelikula na may kuwento at lahat ng mga karakter ay gumagalaw at hindi lang dekorasyon para pandagdag artista o' karakter sa isang pelikula.
Magaling si Gov. ER. lalo pa't sinahugan din ng konting "humor" ang ilang linya ni "Boy Golden" sa mga eksena. 

Revelation si KC Concepcion sa pelikula. Sabi nga ni Direk Chito: "I hope this film will help KC to elevate her career. I did not expect na pwede pala siya maging Angelina Jolie ala-Lara Croft," kuwento ni Direk Chito sa amin.


Ito yata ang pelikulang aksyon na gawang Pinoy na hindi kami nainip at hindi namin tinayuan para mag-walk-out.


Personally, hindi kami mahilig manood ng Pinoy action films but with Boy Golden, nahold ni Direk Chito ang interest namin to watch the film from start to finish.

Congratulation to the Casts and Staffs of the film and specially to Direk Chito na pinatunayan niya na hindilang siya pang-drama kundi pwede rin pala sa mga pelikulang aksyon.

KC Concepcion Isang Rebelasyon sa Shoot to Kill: Boy Golden



All out ang suporta ng pamilya ni KC Concepcion sa premiere night ng MMFF entry na Shoot to Kill: Boy Golden na naganap last Monday (Dec. 23, 2013) na ginanap sa Premiere Cinema ng SM MOA.

Present syempre ang super Mom niya na si Megastar Sharon Cuneta who was very excited to see her daughter act na kakaiba sa mga nauna na niyang pelikula in the past. Bukod sa ina na si Mega, andun din si Sen. Kiko Pangilinan at syempre ang lola niyang si Mommy Elaine Cuneta who is always supportive sa kanyang apo.


Happy si Sharon sa napanood niya. The fact na first time niya napanood ng anak na nakikipag-barilan and does her action stunts (suntukan at basagan) na nagulat din kami kay KC na hindi namin inaakala na game din pala siya sa mga ganung eksena.

"It’s in the genes,” kuwento ni Mega nang makausap namin after the premiere. “I have been very supportive with my daughter and I trust her in her decisions. I was thankful that Gov. ER and Direk Chito took care of her,” dagdag pa ni Sharon.

Sa katunayan, yong mga eksena ng kanyang dalaga sa pelikula ay gusto niyang gawin din in the early days of her career but wala nga lang daw pagkakataon, pabirong kuwento ni Mega sa amin.
      

Marion Aunor Very Thankful sa Year 2013

Super busy ang latest singing sensation na si Marion Aunor sa kanyang career.
Matapos na mai-launch ang kanyang self-titled Music CD from Star Records, tila masuwerte ang taong 2013 para sa dalaga lalo pa't aside from her CD is doing good sa sales chart, officially ay pinakilala na siya sa mga ASAP viewers as one of the regular performers every Sunday. 

At the moment, she's busy promoting her rendition of The Carpenters (Karen and Richard Carpenter) Christmas song "Merry Christmas Darling " na isa sa mga cut sa Star Records Christmas Album and the song" My Only Love " which is included in the Got 2 Believe Soundtrack.

Last Sunday, she launched her self-titled album sa Glorietta Activity Center attended by her fans.

Balita namin more than 100  CDs ang naibenta during the event aside from the positive response ng mga record stores selling her album.

This New Year's Eve, she will perform at the Shangri-la Makati Lounge together with singer Nina.


For 2014 she expect to be busy with her singing career performing in concerts here and overseas.


 " Yes definitely natupad po yong, not really plans but more of dreams ko for 2013. I know I wanted to get into music this year, but I didn't expect to have a self-titled album by now or appear on TV and get to work with the best people in the music industry. It's hard to believe that all of this happened in a span of one year. So all I can say is that I feel very grateful and blessed," say ni Marion sa email niya sa amin.

Recently she guested in The Mega and The Songwriter show nina Sharon Cuneta and Ogie Alcasid aired on TV5 na naging trending the Twitter when she guested. Im very sure, happy si Ms. Lala sa mgamagagandang nangyayari sa career ng kanya na tunay naman na magaling at super talented.