Monday, December 9, 2013

Tom-Den Happy Gay Parents

Ma-imagine nyo ba kung mula sa telebisyon ay maging makatotohanan ang pagiibigan nina Eric at Vincent  na mga bida sa My Husband's Lover?

What if kung sa pagpapaubaya ni Lally na magsama, magmahalan at magbuo ng sarili nilang pamilya sina Eric at Vincent na hindi naman imposible lalo pa't hindi naman isyu na ang pagbubuo ng isang masaya at perfect family ay hindi batayan na straight na lalaki at babae lang ang may karapatan, wish marahil ng bawat bekis na magkaroon ng katuparan.
I'm sure ang daming mga bekis ang nangarap na sana sila na si Eric o' Vincent at ang pagmamahalan ng dalawa ay tunay naman na made in heaven.

I'm sure kung fan ka nina Tom-Den at ang tambalan nila sa TV, in love ka na sa picture ng dalawa na kasama ang apat na bagets na mga pamangkin ni Tom.

Kung hindi mo  sila kilala at makita na very playful sa mga batang ito sa picture , iisiipin mo na ang dalawa'y mga happy gay parents ng apat na mga tsikiting.

By the way, selling like hot cakes a rin ang musicCD ni Tom at Dennis mula sa GMA Records.













Mariel Rodriguez' Project Bra

Yes, mga kikay sila on television noon pero in their own little ways, tutulong sina Mariel Rodriguez,Ruffa Mae Quinto, Shalani Soledad-Romulo,Grace Lee at Camille Villar (dating mga hosts ni Willie Revillame) sa kanilang "Women of Yolanda' project kung saan ang mga  pre-owned clothes nila and personal stuffs will be on sale this coming December 14 and 15 (Saturday and Sunday) na gagawin sa Function Hall ng Star Mall ( along EDSA cor. Shaw Blvd.).
Para maka-join at makapasok sa venue at makatulong kayo sa mga nasalanta ng super bagyo; magdala lang ng bra (yong bago at hindi gamit)- dapat PROJECT BRA ang itawag sa event; para makapamili kayo ng mga super murang halaga ng mga branded clothes na minsan lang nagamit nina Mariel, Ruffa , Shalani , Camille at Grace Lee with brands like Cotton On, Tosho, Forever 21, H & M, Zara , River Island, Mango, Ureban Outfitters, Warehouse, Dorothy Perkins will sell for only P250 each. Ang mga designers footwear like Michael Korrs, Nine West, Zara and a lot more will also sell at 250 each.
Ang mapapagbilhan ng mga items ay malaki ang maitutulong sa mga Yolanda survivors. Mark your calendar girls. Nag-shopping ka na, nakatulong ka pa sa mga survivors ng Yolanda.

ER Ejercito Governor's Day ang priority kaysa sa Shooting ng Boy Golden

Dapat may press visit ngayon araw, Monday (Dec. 9, 2013)ang ilang mga imbitadong press people sa MMFF 2013 entry ni Gov. ER Ejercito na Shoot to Kill: Boy Golden kung saan si KC Concepcion ang kanyang leading lady sa direksyon ng award winning director na si Chito Rono. 
Pero last night, kinansel ito ng publicist niya na si Jobert Sucaldito dahil tuwing Lunes is always Governor's Day para sa mga taga-Laguna na ayaw ni Gov. ER i-set aside.

Hindi kasi pwede i-cancel ni Gov. ER ang kanyang pangako sa mga taga-Laguna na sila ang una kaysa sa showbiz carrer niya. Ang paglilingkod niya sa Lalawigan ng Laguna ang first priority ni Gov. ER kaysa sa kanyang paga-artista tulad ng mga naging pahayag na niya in the past sa kanyang mga interviews.
Dahil pa-morning-an (as in every Monday before lunch. nagsisimula at natatapos until early morning of Tuesday) ang personal na pagharap at pakikinig ni Governor sa mga contitruents niya ang una sa mga prioridad niya.


Sa mga hindi nakakaalam, siya mismo ang personal na humaharap at nakikipagusap sa mga mamamayan ng Laguna na siyang ikinatutuwa syempre ng mga maliliit na mamamayan ng probinsiya na kadalasan sa ibang lalawigan; kung hindi secretary ng governor ay ang OIC ng lalawigan nila ang siyang nagiistima sa mga complaints at concerns nila.
Kaysa maghintay ang press sa set na walang kasigurduhan kung anong oras matatapos ang kanyang trabaho tuwing Monday, mas ninais na lang ni Jobert na i-postpone ito on a later date.
Sa pagkakaalam ko almost 80% na ng kabuunan ng filming ang natapos and hopefully ay makahabol ito sa deadline na ibinigay ng MMDA Chairman Tolentino sa mga producers na i-sumite ang kanilang mga obra para sigurado makasama sa 2013 MMFF na magsisimula sa araw ng asko Disyembre 25.

Kris Aquino Super Nanay

Kahit sablay man si Kris Aquino sa mga diskarte niya sa buhay, ang pagiging ina naman niya at all times ay hanga kami.Ganu’n naman yata, basta para sa anak mo, all out ang suporta mo.
Kita naman kung papaano niya alagaan ang dalawa niyang anak na si “Kuya” Josh (sa aktor na si Philip Salvador) at si Bimby (kay James Yap).

Sa mga pagkakataon na kailangan niyang magtrabahon bilang “artista” o host sa kanyang daily morning show, ang mga anak pa rin niya ang kanyang prayoridad.
Sabi nga ng kapatid niyang si PNoy, imposibleng tumakbo si Tetay sa pulitika sa 2016 dahil ang first priority niya ay ang pagiging “stage mom” sa anak na si Bimby na ngayon ay pinasok na rin ang showbiz via My Little Bossings, kung saan co-producer siyempre si Tetay sa unang pelikula ng anak.
Aminado ako, hindi ako natawa sa trailer ng pelikula as I have written in my columns. Kahit magbatuhan man ng pick-up lines sina Bimby at Ryzza Mae Dizon, hindi ako natatawa. Hindi ko alam kung  bakit. Malamang sa editing at bagal ng reaksyon ni Bimby and vise versa sa kanilang mga eksena.
Siguro, mas gamay ko ang panonood kay Ryzza Mae tuwing umaga na napaka-natural at spontaneous ng humor kapag nasa morning show na niya ang bulilit.
Noong Friday night while checking my Instagram, nakita ko ang isang post ni Tetay with his two songs na katatapos lang maghapunan ng ginisang monggo at pritong tilapia with aligue as what she posted in her IG account.

Happy si Kris na naka-all smile habang ang dalawang anak ay tila na-enjoy ang kanilang hapunan with their mom.
Last Saturday, dahil puspusan na ang promotions ng entries sa MMFF 2013, umalalay si Kris sa anak na pumunta ng Cebu para sa promotion ng pelikula.
Sa katunayan, sa biyahe nila, personal silang inasikaso ng kapatid ni Kim Chiu who is a flight stewardess ng airline na sinakyan nila.
Alam ko, bilang isang ina, Kris want the best of Josh and Bimby (lalo na’t first attempt ng anak ang
magpaka-showbiz aside syempre sa mga previous TVC na ginawa na nila in the past). Sa kabila ng mga atake kay Tetay sa kung minsan ay sablay niyang diskarte sa buhay, na personally ay hindi rin ako sumasang-ayon, hindi ko rin siya masisi kung ang ginagawa niya ay para sa mga anak niya. Sa bagay na ito, dito ako hanga sa Queen of All Media na gagawin ang lahat para lang sa ikasisiya ng anak.

Show ni Kuya Dick at Amay Natutulog sa Kangkungan.

Sa tutoo lang, hindi ko alam na may bagong TV show pala sa Kapamilya Network tuwing Saturday ang two of my favorite hosts na sina Roderick Paulate at Amy Perez.
Kung hindi pa ako nag-TV surfing noong early Saturday evening, hindi ko pa malalaman na sila pala ang host ng dating show ni Cesar Montano.
Don’t blame me kung wala sa kamalayan ko ang show ni Kuya Dick at Amay.
Sayang naman at napapabayaan ang show nila. Ang galing pa naman nilang dalawa at maganda ang kanilang repartee sa isa't isa. Gamay na kasi nila ang hosting style ng bawat isa sa  tinagal-tagal na ng panahon na magkasama a sila noon sa noontime show ng ABS-CBN.
Sa pagbabalik nila sa telebisyon, tila natutulog sa kangkungan ang nagbabantay ng promotion and publicity ng show ng dalawa. Unfair ito kay Kuya Dick at Amay.

Jinky Paquiao sa Listahan din ng BIR

Hindi lang siguro ang kinikita ni Manny Paquiao ang dapat tingnan ni BIR Com. Kim Henares.
Baka pwede rin niyang silipin ang mga ipinapasok na mga mamahaling designer bags ng misis ni Manny na paninda niya sa kanyang boutique.
May mga bag na worth half a million ang isa na baka hindi nasisipat ng customs at sinasama na lang tuwing bumibiyahe ang mag-asawa na siyempre VIP ang treatment sa customs at sa immigrations kapag dumarating sila sa airport. Alam n’yo naman ang mga Pinoy, takaw picture-picture kapag celebrity na ang katabi para may mai-post na "selfie-selfie" sa FB.
Ang Pink Hermes Bow!