Tuesday, December 31, 2013

Willie Revillame Na-hold sa Solaire Casino dahil sa P300M na Utang?



Noong last October, ang tsismis nagpatalo diumano ng P120M si Willie Revillame sa casino.
Recently only this December, tutoo ba ang balita na-hold si Willie ng almost two days sa Solaire Hotel and Casino at ayaw palabasin dahil sa utang nito na almost P300M na naiwaldas ng host-comedian in only two days?


Ang tsika, hangga’t hindi nababayaran ni Willie sa tsikang utang niya sa isang casino financier, hindi ito pinalabas at binantayan ng husto ng mga tauhan ng casino financier.
Ok, hindi ko pera ang pinapatalo ni Willie sa sugal. Kanya yun. Siya ang naghirap na pibagtrabahuan ang mga milyones niya pero nakapanghihinayang habang ang Pasko para sa iba ay tag-tuyot at may kakulangan at kung minsan, walang pagkain sa hapag kainan.
Sayang lang. Nakapanghihinayang lang.

Sino kaya ang malapit kay Willie na nakikinig siya at hindi siya mapagsabihan na ang balon ng kanyang kayamanan ay may hangganan din. Hindi ito dagat na walang hangganan at matutuyuan.


Feeling ko, mali at walang concern ang naga-advise sa kanya sa kasalukuyan niyang estado.
The fact na wala siyang TV show at ang Kapamilya Network ay walang balak na pabalikin siya sa ABS-CBN after magbigay siya ng sakit ng ulo; ang istasyon naman ni MVP deadma at hindi ni-renew ang contract niya at yong TV station along EDSA sa tabi ng Kamuning MRT Station ay most likely ayaw ng show na hindi nagre-rate; biro ng isang mataray na entertainment reporter sa amin:” Baka gusto niya sa NBN 4, pwede ako ang mag-mediate sa kanya.”

Hoping  may clarification sa kampo ni Willie para mabura na ang negative na imahe na ito para sa host-comedian na only last weekend at nagtungo sa Tacloban para sa kanyang relief giving operations at special show sa mga nasalanta at survivors ng bagyong Yolanda.

Ad of this writing, may nabasa ako na umaasa pa rin si Willie na maging maganda ang pasok ng 2014 sa kanya sa kagustuhan niya na makabalik muli sa kuwadra ng Kapamilya Network na minsan na rin niya binigyan ng sakit ng ulo.