Tuesday, November 19, 2013

Ms. Gloria Diaz Hina-hunting ng mga Taga-Sicogon Island

May ka-meeting kami someone from an NGO (legit and not associated with the Napoles) last night Monday, November 18 who seek assistance to connect with Ms. Gloria Diaz because the locals of Sicogon Island (bahagi ang isla ng Carles, Iloilo) of the Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa film in the 70's are being displaced by a private corporation (SIDECO) with almost 70 armed private armies na sinisira ang mga bahay nila aside from the fact na devastated din sila ng bagyong Yolanda.
The owner of the island (a rich family from Iloilo & Bacolod) are developing the island to be the next Boracay and is setting up a private resort. 


 This families from the 3 Barangays in the island na karamihan sa mga matatanda tulad nina Nanay Thelma ay personal nakadaupang palad ang dating Ms. Universe na minsan ay nagtahe ng damit ni Ms. Gloria sa pelikula kung saan doon nag-shooting sa Sicogon noong mid-70's ang aktres. Humingi sila ng ayuda na suportahan sila ng aktres sa kanilang laban para hindi sila sapilitang mapaalis sa isla na  kinukuha ang kanilang mga gamit ng mga armed guards na itinalaga ng pamilya the fact na ang mga sakahan ay nai-award na sa kanila at may titulo under CARP sa panahon ng dating President Corazon Aquino. 


Sa kasalukuyan, hinahanap ng mga  taga-Sicogon si Ms. Diaz para mahingan ng tulong sa kanilang sitwasyon. Sa ngayon pinamumunuan ng Pamilya Macario ang tumatayong lider ng mga organisadong naninirahan sa isla.







No comments:

Post a Comment