From
an appointment sa St. Scholastica College sa Singalong yesterday (Sunday,November 24, 2013) to watch Pedro Calunsod D' Muuuzzziikkalll written and directed by Vince Tanada's Philippine Staggers Foundation; tumuhog
ako sa AFP Theater para sa Star Awards. Padating sa 15th Avenue gate ng
Camp Aguinaldo, sabi ng Military Police naabutan ako ng curfew.
Bawal
na pumasok ang taxi. Bawal na rin maglakad papasok from the gate to Star
Awards venue which is almost 500 meters away. Kung gusto ko daw pasundo ako sa may gate at papayagan ako makapasok.
Decided na huwag na lang at mag-monitor na
lang ako sa mga ibinabatong kuwento ng mga kaibigan sa loob ng AFP
Theatre. Sabi nga pala ng military police na nagbabantay sa gate last night naka-RED ALERT
sila ngayon. Hindi na ako nag-urirat kung bakit?
May coup ba 'o pagaaklas o may tumiwalag sa AFP bosing laban sa Commander in Chief nila na si Pnoy dahil ang relief na dapat naipamahagi na sa mga naiwanan nila sa Leyte, Samar, Panay at Palawan na nasalanta ni Yolanda ay nakatago pa rin sa mga bodega.
Balita ko nga, ang mga iinamamahagi ng SDWD at ng gobyerno natin ay mga luma at nabubulok na relief goods from last year's bagyo.
Naalala ko noong kauupo pa lang ni Tita Cory nun na kaliwa't kanan ang mga pagaaklas ng mga militar laban sa kanyang pamunuan. Sa panahon ng anak niyang si Pnoy wala pa yatang coup na naganap.
Ewan! Nag-kape na lang ako sa Mc Donald's bago umuwi na na-enjoy ko pa.
No comments:
Post a Comment