Kaya
siguro iba pakiramdam ko ng pumasok ako sa loob ng Starmall Alabang
kahapon (Miyerkules). I feel eerie . Sumakit ang ulo ko. May kakaibang pangitain na
naglipana ang mga ghostly vision. Nalaman ko lang na dating sementeryo
pala yong kinatatayuan ngayon ng mall. Ano kaya ginawa ng nagtayo ng
building doon, hinukay ang mga buto ng mga nakalibing at inilipat sa ibang lokasyon 'o
tinayuan na lang ng gusali habang nakabaon pa sa lupa ang mga patay na ang
iba ay buto na ng mahukay? Yong parking area sa itaas ng mall madilim,
iba ang ihip ng hangin...ayaw ko na bumalik dun.
Sabi ng Ching Onella na taga-Muntinlupa sa FB message niya ng mabasa ang encounter kong ito: Taga-Muntinlupa ako kaya alam ko...sementeryo yan dati. Sa supermarket may mga nagpaparamdam. Mga 10 years na rin daw nakatayo ang building ng Star Mall Alabang na dating sementeryo. Dagdag pa ni Ching sa PM niya sa amin: Noong bago pa lang yan mga around '98 konti pa lang kami nanonood kami ng friend ko ng sine pero feeling namin madami kaming katabi na nanonood.
Nakakaloka.Sobrang lamig pa.
Nakakaloka.Sobrang lamig pa.
Ikaw na nagbabasa ng blog item na ito taga-Alabang ka ba? Napasok mo na ba itong Star Mall? Minulto ka na ba sa mall na dati pala sementeryo?
No comments:
Post a Comment