Sunday, December 15, 2013

Gov. ER Ejercito Suportado ng mga taga-Laguna



Hindi gusto ng mga taga-Laguna ang planong pagapapatalsik sa mahal nilang Punong Panlalawigan na si Gov. ER Ejercito sa isyu ng COMELEC laban sa kanya.

Granting na may discrepancy sa nai-file na SOCE ( Statement of Contributions and Expenditures) sa nakaraang eleksyon noong May at may kakulangan man sa mga papeles na naisumite si Laguna Governor ER Ejercito bakit nauuna pa ang publicity kaysa sa pakikipag-usap o’ i-follow up sa opisina niya ang mga important documents na kailangan ng COMELEC?

 Ayon kay Gov. ER sa halos limang termino niya ng paglilingkod sa taumbayan ng  Laguna bilang opisyal ng gobyerno, tumatalima siya sa patakaran ng ahensiya.


 Sabi ng isang taga-Laguna sa amin sa pamamagitan ng email: “Dirty tactics na naman ito ng kampo ng kalaban. Ngayon pa na may pelikula si Gov. ER na “Shoot to Kill: Boy Golden” hindi maiiwasan na naiintriga siya. Makikisawsaw sila sa kaguluhan sa showbiz at isasabay pa ang ganitong mga issues, “ depensa nito sa kanyang Gobernador.


Dagdag pa nito sa kanyang  sintimiento:” Di ba si Kris Aquino at Bimby may pelikula na makakalaban ng pelikula ng kapatid at pamangkin ni Pnoy, hindi kaya black propaganda ito sa pelikula ni Gob?”



Bukod kay Gov. ER, maging si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ay kinu-kuwestyun din ng COMELEC sa kanyang SOCE.


No comments:

Post a Comment