Puring-puri ni Gov. ER Ejercito ang leading lady niya na si KC
Concepcion para sa kanyang Metro Manila Film Festival 2013 entry na
Shoot to Kill: Boy Golden dahil sa pagiging game nito sa shooting.
Walang kaere-ere kasi si KC nang minsan naming nakita sa set sa may
bandang Legarda sa Manila na kahit malamok, game na naghihintay ng
kanyang cue mula kay Direk Chito Roño.
Bidang-bida ni Gov. ER si KC dahil ang dalaga mismo ang gumagawa ng kanyang mga eksena.
“Hindi siya napapa-double tulad ng ibang mga artista natin. Siya
mismo ang gumagawa ng stunts niya. Pagulungin mo, palundagin mo, malakas
ang loob niya,” pagmamalaki ni Gov. ER.
Isang Thai stunt director na pinapunta nila galing Bangkok ang para
mag-direk ng mga eksena. Ito rin ang nagtuturo kay KC ng delikadong
stunts na noong una ay ayaw ipagawa ni Gov. ER sa dalaga dahil sa risk,
pero very insistent si KC.
Napanood namin ang trailer na ipinagmalaki ni Gov na kami man nagulat
dahil trailer pa lang, ang ganda ng obra ni Direk Chito na tipong pelikulang Hollywood.
Sa pagiging mabusisi ni Direk Chito (ang ganda ng pelikula niyang
Badil na ipinalabas kamakailan) hindi naipalulusot ni Direk ang mga
eksenang may sablay.
One nice thing kay KC ay wala siyang reklamo sa set na kahit sa
kalaliman ng gabi at malamok kapag sinabi na ni Direk Chito na
magte-take na sila, kahit pass midnight na ay muling nabubuhay ang
enegry ng dalaga.
No comments:
Post a Comment