Laugh
a Minute ang tawag ni Direk Wenn Deramas sa pelikula niyang Girl, Boy, Bakla,
Tomboy staring Vice Ganda na entry ng Star Cinema and Viva Films sa darating na
MMFF 2013.
Sa trailer na napanood namin last
Saturday noong nanood kami ng Call Center Girl, laugh trip nga ang bawat
eksena ng kabaliwan, kalokahan at kagagahan ng apat na karakter na
ginagampanan ni Vice sa pelikula.
Imagine na si Vice, aakto bilang
Girl, Boy, Bakla ( kakaibang beki acting siya sa pelikula ayon sa kuwento ni Direk Wenn) at ang pagiging Tomboy ni Vice sa pelikula ang isa sa mga karakter na hirap siyang iarte.
Pero naalalayan naman siya ni Direk
Wenn para hindi maging O.A. si Vice sa mga karakter na ginagampanan niya.
For the first time in Philippine
Cinema, ito yata ang kauna-unahang pelikula kung saan ang bida, ay apat ang
karakter na ginagampanan which para sa amin ay mahirap lalo pa’t sa isang
shooting day ay paiba-iba ang karakter na ginagampana ng komedyante.
Sa pelikula, makakasama niya si
Maricel Soriano, Joey Marquez, Ejay Falcon, Kiray Celis at si Ruffa Gutierrez.
No comments:
Post a Comment