Tulad ko na mahilig sa horror movies, nakami-miss ang Shake,
Rattle and Roll series ni Mother Lily Monteverde ngayon pa na walang
entry na SRR for the MMFF this year.
Nakasanayan ko rin kasi at ng publiko (lalo na ang mga teenagers) na
tuwing Kapaskuhan, kasama sa mga nakolektang Christmas gifts (uso na ang
sobreng may lamang two hundred pesos kaysa sumakit ang ulo mo sa
pagki-Christmas shopping) na manood ka ng SRR.
Noon pa man, may gulat factor ang mga pelikula ng Regal matriarch
tuwing Pasko. Kaya nga kasama palagi ang pelikulang kakatakuhan ni
Mother Lily sa mga pinipilahan ng publiko.
Pero kahit wala man ang kanyang SRR series this Christmas,
nakipag-co-produce naman ang Regal Films niya sa Star Cinema sa isang
bagong horror genre ang pelikulang Pagpag (Siyam na Buhay), kung saan
ang pinakamainit at pinakasikat na teen idols ng makabagong panahon,
sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang siyang mga bida.
Sa trailer noong una kong napanood, tatlong beses akong nagulat.
Tipong may promise ang pelikula ni Frasco Santos Mortiz as director na
panganay na anak ni Edgar “Bobot” Mortiz.
Kuwento nga niya, sa dami ng mga paniniwalang Pinoy tungkol sa mga
pamahiin natin tuwing may patay o mayroon tayong lamay na pinupuntahan,
mahirap isiksik ang iba’t ibang mga kuwento based sa mga paniniwala
natin at nakaugalian.
I’m sure, dahil ang Pinoy, nasanay na sa tuwing MMFF ay nanonood ng horror movies, pila-balde na naman ang tao sa takilya nito.
No comments:
Post a Comment