Noong
last October, ang tsismis nagpatalo diumano ng P120M si Willie Revillame sa
casino.
Recently
only this December, tutoo ba ang balita na-hold si Willie ng almost two days sa
Solaire Hotel and Casino at ayaw palabasin dahil sa utang nito na almost P300M
na naiwaldas ng host-comedian in only two days?
Ang
tsika, hangga’t hindi nababayaran ni Willie sa tsikang utang niya sa isang
casino financier, hindi ito pinalabas at binantayan ng husto ng mga tauhan ng
casino financier.
Ok,
hindi ko pera ang pinapatalo ni Willie sa sugal. Kanya yun. Siya ang naghirap
na pibagtrabahuan ang mga milyones niya pero nakapanghihinayang habang ang
Pasko para sa iba ay tag-tuyot at may kakulangan at kung minsan, walang pagkain
sa hapag kainan.
Sayang
lang. Nakapanghihinayang lang.
Sino
kaya ang malapit kay Willie na nakikinig siya at hindi siya mapagsabihan na ang
balon ng kanyang kayamanan ay may hangganan din. Hindi ito dagat na walang
hangganan at matutuyuan.
Feeling
ko, mali at walang concern ang naga-advise sa kanya sa kasalukuyan niyang
estado.
The
fact na wala siyang TV show at ang Kapamilya Network ay walang balak na
pabalikin siya sa ABS-CBN after magbigay siya ng sakit ng ulo; ang istasyon
naman ni MVP deadma at hindi ni-renew ang contract niya at yong TV station
along EDSA sa tabi ng Kamuning MRT Station ay most likely ayaw ng show na hindi
nagre-rate; biro ng isang mataray na entertainment reporter sa amin:” Baka
gusto niya sa NBN 4, pwede ako ang mag-mediate sa kanya.”
Hoping may clarification sa kampo ni Willie para
mabura na ang negative na imahe na ito para sa host-comedian na only last
weekend at nagtungo sa Tacloban para sa kanyang relief giving operations at
special show sa mga nasalanta at survivors ng bagyong Yolanda.
Ad of this writing, may nabasa ako na umaasa pa rin si Willie na maging maganda ang pasok ng 2014 sa kanya sa kagustuhan niya na makabalik muli sa kuwadra ng Kapamilya Network na minsan na rin niya binigyan ng sakit ng ulo.
No comments:
Post a Comment