Friday, January 3, 2014

Transgender Groups Suportado si Arjo Atayde sa MMK



Laking tuwa ng kaibigang Bemz Dulmao Benedito dahil nabibigyan  ng maganda at positibong imahe ang mga bading, lalo na ang mga transgender (mga bading na nagbibihis babae) ng MMK sa kanilang first episode for 2014 bukas Sabado, January 4, 2014 kung saan isang beking mujerista ang role na ginagampanan ng magaling na aktor na si Arjo Atayde.

Arjo Atayde in MMK
Arjo who plays “ nanay” ng mga batang inaruga niya na pinabayaan ng kanilang mga tunay na mga magulang ay gaganap sa isang gay role for the first time.


Sabi ni Bemz who is the Secretary General of "Kapatid"  a sectoral LGBT organization sa kanyang email sa amin: “Ito ang imahe ng LGBT na ating ikinasisiya dahil wala sa sekswalidad o’ kasarian ang pagiging magulang o’ pagiging isang mabuting tao.”

Ganda ni Arjo
I’m sure, with Arjo’s positive portrayal in MMK as a Beking Nanay, madaming mga Bekis ang lalong mamahalin siya dahil sa role niyang ito.

Makakasama ni Arjo sa “gay parent” episode sina Assunta de Rossi at Ella Cruz sa direksyon naman ni Raz dela Torre.

No comments:

Post a Comment