Hindi mo agad makikilala si Arjo Atayde na
siya yong babaeng mahaba ang buhok at naka-make-up. Nakabihis babae kasi
ang PMPC Star Awards 2013 Best Supporting Actor for Television sa
kauna-unahang gay role niya sa telebisyon para sa MMK sa darating na
Saturday, January 4.
Isang bakla ang role ni Arjo sa episode ng MMK with
a working title na “Gay Parent” sa direksyon ni Raz dela Torre.
He plays a
“bading” parent na romantically involve kay Felix Roco at makakasama
niya sina Assunta de Rossi, Dindo Arroyo at Ella Cruz.
Bilang isang
bading na ama; papaano niya bubuhayin at ipaglalaban ang kanyang pamilya
ang siyang tatalakayin at mapapanood sa kauna-uahang episode ng MMK for
2014.
After portraying his first gay role on television, magandang
karanasan ito para sa aktor para maintindihan pa lalo ang mga gay
friends niya at ang mga bading sa pangkalahatan. Remember, her mom
actress Sylvia Sanchez is also a gay icon na left and right ang mga
kaibigang mga bekis at no doubt na madali nakapag-adjust si Arjo sa
mundo ng mga gay, bakla, bayot, agi and whatever you call men who loves
men.
Sabi nga ng aktor:” I have huge respect sa mga gays. I grew up with
gays. Si Mommy, most of her friends ay badings kaya no problem sa akin.
Mas tumaas pa lalo ang respect ko sa kanila after my MMK role,” kuwento
niya sa amin.
Ito ang pangatlong MMK anthology na nilabasan niya. The
first was the “Bangka” episode kung saan napansin ang galing niya sa
pag-arte at hinirang siya as PMPC’s New male TV Personality for 2012.
Ang pangalawa ay ang episode nila ni Kiray Celis na “love story” ang peg kung saan isa siyang tricyle driver na in love sa dalaga at ito ngayong pangatalo na ginagampanan naman niya ang role ng isang beki.
Sa amamagitan ng MMK, naiaamalas ni Arjo na hindi lang siya sa mga guwaing sa kuwadra ng Star Magic kundi marunong din siya umnarte na naatunayan na rin naman niya yun sa mga nakaraan niyang mga acting projects. " Ang wish ko for 2014 magkasama sana kami ni Mommy sa MMK) " na isa sa mahalagang trabaho na hinihintay ng young actor.
Abangan din si
Arjo sa first quarter ng 2014 sa bagong rom-com(romance comedy)
teleserye niya sa primetime na halaw sa isang sikat na Korean
Telenovela na " Pure Love".
No comments:
Post a Comment