SA SHOWBIZ, kailangang dapat mabango kahit papaano ang pangalan
mo. Tapos na kasi ‘yong panahon na ang name mo sinusunod kung anong
itsura mo ‘o ‘di kaya’t karakter na gusto mong i-portray sa industriya.
Noon ang pangalang Dely Atay-Atayan, Apeng Daldal, Matutina at kung
sinu-sino pa ay bukambibig ng panahon ko. Kumintal sa kamalayan ko sina
Bentot, Ramon Zamora at marami pang iba.
Pero ang pangalang Marietta Subong, parang hindi yata angkop para
magpatawa. Parang pangalan ng OFW na tipong ang inaaplayan ay DH sa Hong
Kong o Italy (no offense meant).
Sa panahon na usung-uso ang mga stand-up performer sa mga sing-along
bar, ang mga pangalan nina Ai-Ai delas Alas (na nag-Reyna sa Music Box);
Allan K at Leonard Obal (sa Library) at Vice Ganda (sa Punchline), sila
ang mga bukambibig kung trip mong maaliw at nasa mood na matawa sa
hirap ng buhay.
Pero ang pangalan ni Marietta Subong, unang dinig mo pa lang, may
lamlam na. Parang problemado na ang taong may pangalan nito.
Pangkaraniwan, pero hindi ko alam na matatawa pala ako sa kanya.
My first encounter with Marietta aka Pokwang upfront ay sa taping ng
Toda Max sitcom niya with Robin Padilla almost two years ago. Napapanood
ko na siya sa mga kalokahan na pinaggagawa niya sa telebisyon. Aliw ako
sa hairstyle niya na parang Lady Gaga (siya yatang nagpasimula sa
noontimeshownoon ni Willie Revillame na sinundan lang ng international
singer kung hindi kami nagkakamali).
But during my first time to interview her, in between serious
questions (about politics, sa buhay niya at pangarap sa Pilipinas at sa
mundo) sumisingit-singit ang pagiging komedyante ni Pokwang. Ang nuances
kasi niya, lukring, na ang seryosong usapin tungkol sa paglilingkod sa
bayan na sinalihan na rin ng opinion ni Angel Locsin noong gabing ‘yun
sa set ng sitcom nila ay paminsan-minsang nauuwi sa kanyang punchline at
kagagahan.
She can talk about her sexuality, her views and opinions na hindi ko inaasahan na keri pala ni Marietta na ibahagi sa amin. Humahigikhik ako at napapailing na lang. Sabi ko nga sa kasama ko,
gaga ang babaeng ‘to. Ang seryosongkuwentuhan, nauuwi na lang sa
kalokahan niya.
Kahit pabiro, may sundot siya sa mga pulitiko na nagpapatakbo sa
bayan natin. In short, hindi lang siya nagpapatawa kung makakausap mo
siya sa masinsinan. May laman, may anghang din ang mga sinasabi niya.
‘Yun nga lang, most of her statements ay pang-off the record na
iginagalang naman namin lalo pa’t sa sitwasyon niya bilang isang
celebrity ay baka siya maipit.
FAST FORWARD: Nitong nakaraang Sunday sa presscon ng pelikula
niyang Call Center Girl (showing on November 27); in between sa
pagpapatawa niya sa mga sagot niya sa press people noong hapong ‘yun,
napaiyak siya.
Hindi ko nasundan kung paano ang simula ng pagluha niya na
nagpapasalamat siya sa mga naging kaibigan niya sa showbiz, lalo na ang
mga kapwa niya komedyante (sa pelikulang ito) na all out ang suporta sa
kanya.
REALIFE: Marami na ring napagdaanan si Pokwang. Mga banat at atake sa
kanyang pagkatao. Mga opinion ng press na hindi niya nakayanan pero
naalpasan niya. Kahit papaano tatamaan ka at
maaapektuhan. Below the
belt o sobra na ‘yong ibang banat. Masyado nang personal. Madrama ang buhay ni Marietta. Namatayan ng anak na sa pagkamatay ay
wala siya sa bansa at nagtatrabaho bilang OFW. Kaya siguro ‘yong A
Mother’s Story na pelikula niya, damang-dama niya ang role dahil naging
siya ‘yun sa totoong buhay.
PRESENT: Sa pagkakataon na magpapatawa naman siya ngayon sa
Call Center Girl, love na love niya si Jessy Mendiola na gumaganap
bilang anak niya. Magkasing-edad kasi si Jessy at ang namatay niyang
anak kung nabubuhay lang ito. Pangako ni Pokwang sa casts, dahil sa
suporta at magmamahal sa kanya ng mga kasamahan niya sa pelikulang ito,
kapag sila ang humingi ng tulong na mag-guest siya she will not say no.
“Kahit anong role. Basta sila, anytime,” promise niya sa mga kaibigan.
Sa Call Center Girl, makakasama rin niya sina Enchong Dee, John Lapus, Ogie Diaz at Ejay Falcon sa direksyon ni Don Cuaresma. (Sinulat ni RK Villacorta/Pinoy Parazzi)
No comments:
Post a Comment