Maging ang Super Sireyna ng Eat Bulaga (na dati-rati’y sa mga fiesta mo lang napapanood pampaaliw ang mga beking mujerista na nagli-lipsynch ng mga kanta ni Lala Aunor habang naghihintay ng taya bago paikutin ang larong roleta at kumekendeng-kendeng si Ateng. Ang layo na ng pagsulong ng mga LGBT sa makabagong panahon.
Salamat sa media at lumi-level up na rin ang mga konsepto na ipinalalabas sa telebisyon tungkol sa kabadingan at ka-tomboyan at dahan-dahang natatangap at naiintindihan ng Pinoy.
Kaya nga laking pasasalamat ng mga lesbian at transgender sa That’s
My Tomboy segment ng It’s Showtime sa Kapamilya Network dahil
dahan-dahan, nabubuksan ang kamalayan ng manonood, lalo na ang
karamihang Pinoy na konserbatibo kung anong mundo meron ang mga lesbian,
lesbo at T-bird. I love Showtime for the effort na ipakilala nila ang puso ng mga tomboy na dati-rating kinakaasiwaan ng karamihan.
Ang Pinoy kasi, mas sanay makipaghalubilo sa mga beki kumpara sa mga
lesbian na para sa kanila, masyadong brusko (imahe ng mga tatay o asawa
na nambubugbog, lasenggo, babaero, at sugarol ang impresyon ng karamihan
sa kanila).
Dahil sa telebisyon (tulad sa ipinalabas ng Kapamilya Network two
Sundays ago sa Che Che Lazaro Presents na nagpapakilala kung ano ang
LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) para lalong maintindihan
ito ng publiko. Kudos to the people behind such shows at sa progressive moves nila na
sa konting kakayahan nila at pamamaraan ay makilala ng mundo, lalo na
ng mga Pinoy ang galing ng mga LGBT. (Sinulat ni RK Villacorta/Pinoy Parazzi)
No comments:
Post a Comment