Nobyembre 30, 2013 ngayong araw. Birthday ng mudra ko at ni Ka Andres.
Kung buhay lang marahil si Ka Andres o' Boni ( tawag sa kanya sa makabagong panahon); 150 taon na ang lolo mo
na pinapatay ni Emilio Aquinaldo sa kabundukan ng Maragondon sa Cavite.
Kaya nga oks yong palabas ng Philippine Stagers Foundation (PSF) sa interpretasyon nila tungkol sa buhay ni Ka Andres na Bonifacio, Isang Sarsuwela na maka-ilang ulit na umiikot sa iba't ibang mga paaralan sa Pinas at recently ay napanood namin sa St. Scholastica College last Sunday.
Tanada in Bonifacio by the PSF |
Ang galing ng performance
ni Vince Tanada (as Bonifacio) who can act, sing and dance.
Napaka-powerful ng boses niya na kung nanonood kayo ng mga opera performances sa
teatro, yun na yun ang tinutukoy namin na singing voice ni Vince. Si Kevin Posadas who is not just good
looking on stage performed well naman as Emilio Aguinaldo at natantu ko na
kapitbahay ko pala siya sa Kyusi. In fairness magagaling ang PSF.
While having my "Bonifacio Breakfast" at my
favorite Mc Donald's-Pantranco naitanong ko sa sarili ko kung ano kaya
ang inihahanda ng madir ni Ka Andres kapag sumasapit ang kaarawan niya. Sa
hirap ng buhay nila noon, naghahanda pa kaya ang madir niya ng "pansit" at
pan Amerikano noong panahong ng rebolusyon?
KM Youth Lightning Rally last November. 29, 2012 |
Kasabay ng kaarawan ni Ka Andres ay kaarawan din 'o pagkakatatag ng Kabataang Makabayan (KM);ang youth organization ng National Democratic Front (NDF) na isinilang noong November 30, 1964. Today, 49 years old na ang KM at patuloy na rumaratsada sa iba't ibang pamamaraan nila ng propaganda (sa FB, Twitter at Instagram). Para kay Ka Andres at sa KM dahil kaarawan nyo ngayon magpa-pansit canton naman kayo! Yong Big Spicy-Mansi huh!
No comments:
Post a Comment