Nag-emote sa amin si Tito Alfie Lorenzo ng magkita kami sa Zikoh Morato last Tuesday evening.
Napag-usapan namin ang show ni Ryan Agoncillo na katapat ng show ng
alaga niyang si Judy Ann Santos na misis mismo ng kalaban sa oras at
rating sa istasyon sa kanto na katabi ng MRT Kamuning Station.
“Noong una, ang sabi hindi 100% magkatapat ang show, kaya okey lang daw. Kaya
nga noong presscon ng show ni Ryan, sumugod ako. Ang mga “putah” ang say
sa akin ng mga plastikada, ‘Tito Alfie, akala namin nagtatampo kayo sa
amin’,” taas kilay kuwento ni Alfonga sa amin.
Sa dressing room, kinausap niya si Ryan. “Wala kasi silang pakialaman
pagdating sa trabado. Kanya-kanya silang diskarte. Ang sa akin,
mag-asawa sila. Maayos ang buhay mag-asawa nila. Ngayon dahil lang sa
show, magpapagamit ka sa kanila na p’wedeng maging dahilan ng magiging
gusot n’yo?” analysis ni Tito Alfie.
Hindi maipagkakaila sa manager/ tatay-tatayan ni Juday na
nagmamalasakit siya. « Ano ito, pati network war ng dalawang istasyon
dala-dala nilang mag-asawa? Sabi ni Ryan, hindi raw sila maaapektuhan.
Bahala na siya. Don’t tell me na hindi ko siya kinausap. Concern lang
ako sa kanila mag-asawa,” kuwento ni Tito Alfie sa amin.
Sa ibang usapin, sa halos tatlong TV Commercial ni Juday for the past six months na naapanood natin sa TV ngayon, hindi pa raw nakakarating ang commission niya mula sa alaga.
Inisa-isa ni Tito Alfie ang mga TVC na ini-expect niya na may pera na
ibibigay sa kanya si Juday, the fact na siya pa rin ang official
business manager ng aktres-TV host kahit may isang “Jane” na nakikipag-deal ng direkta on behalf of Tito Alfie.
Paging Jane Something. ‘Yong komisyon ni Tito Alfie, pakihanda mo na.
No comments:
Post a Comment