Hindi
lang natin alam na sa sarili niyang effort (without media coverage) may ginagawa si Willie Revillame para sa mga taga-Tacloban na napinsala at
nasira ang kabuhayan at mga mahal nila sa buhay.
Sa Red Cross pa lang, napagalaman namin na nagbigay siya ng 10 million pesos noong first few days matapos dumaan ang super bagyo.
Sa darating na Sabado, December 21,
tutungo siya sa Tacloban para mamahagi ng sarili niyang kontribusyon sa mga
survivors mula sa sarili niyang bulsa.
Balita naming namaili na si Willie
ng worth 3 million pesos of supplies na ikakarga nila sa pamamagitan ng
eroplano na nahiram niya at pinagasolinahan.
Kinabukasan, December 22, kasama ang
mga dating mga artista sa show niyang Wow Wow Willie, magpe-perform sila at
magbibigay saya sa survivors gayong malapit na ang Pasko.
Kahit magpatalo man si Willie ng
milyones sa casino at magbenta ng kanyang mga properties tulad sa mga
naglalabasang mga balita, bahala siya at doon siya masaya. Basta ang mahalaga,
nagse-share siya sa kanyang mga kababayan sa panahon na kailangan nila ng
ayuda.
No comments:
Post a Comment