Monday, December 9, 2013

ER Ejercito Governor's Day ang priority kaysa sa Shooting ng Boy Golden

Dapat may press visit ngayon araw, Monday (Dec. 9, 2013)ang ilang mga imbitadong press people sa MMFF 2013 entry ni Gov. ER Ejercito na Shoot to Kill: Boy Golden kung saan si KC Concepcion ang kanyang leading lady sa direksyon ng award winning director na si Chito Rono. 
Pero last night, kinansel ito ng publicist niya na si Jobert Sucaldito dahil tuwing Lunes is always Governor's Day para sa mga taga-Laguna na ayaw ni Gov. ER i-set aside.

Hindi kasi pwede i-cancel ni Gov. ER ang kanyang pangako sa mga taga-Laguna na sila ang una kaysa sa showbiz carrer niya. Ang paglilingkod niya sa Lalawigan ng Laguna ang first priority ni Gov. ER kaysa sa kanyang paga-artista tulad ng mga naging pahayag na niya in the past sa kanyang mga interviews.
Dahil pa-morning-an (as in every Monday before lunch. nagsisimula at natatapos until early morning of Tuesday) ang personal na pagharap at pakikinig ni Governor sa mga contitruents niya ang una sa mga prioridad niya.


Sa mga hindi nakakaalam, siya mismo ang personal na humaharap at nakikipagusap sa mga mamamayan ng Laguna na siyang ikinatutuwa syempre ng mga maliliit na mamamayan ng probinsiya na kadalasan sa ibang lalawigan; kung hindi secretary ng governor ay ang OIC ng lalawigan nila ang siyang nagiistima sa mga complaints at concerns nila.
Kaysa maghintay ang press sa set na walang kasigurduhan kung anong oras matatapos ang kanyang trabaho tuwing Monday, mas ninais na lang ni Jobert na i-postpone ito on a later date.
Sa pagkakaalam ko almost 80% na ng kabuunan ng filming ang natapos and hopefully ay makahabol ito sa deadline na ibinigay ng MMDA Chairman Tolentino sa mga producers na i-sumite ang kanilang mga obra para sigurado makasama sa 2013 MMFF na magsisimula sa araw ng asko Disyembre 25.

No comments:

Post a Comment