Yes, mga kikay sila on television noon pero in their own little ways, tutulong sina Mariel Rodriguez,Ruffa Mae Quinto, Shalani Soledad-Romulo,Grace Lee at Camille Villar (dating mga hosts ni Willie Revillame) sa kanilang "Women of Yolanda' project kung saan ang mga pre-owned clothes nila and personal stuffs will be on sale this coming December 14 and 15 (Saturday and Sunday) na gagawin sa Function Hall ng Star Mall ( along EDSA cor. Shaw Blvd.).
Para maka-join at makapasok sa venue at makatulong kayo sa mga nasalanta ng super bagyo; magdala lang ng bra (yong bago at hindi gamit)- dapat PROJECT BRA ang itawag sa event; para makapamili kayo ng mga super murang halaga ng mga branded clothes na minsan lang nagamit nina Mariel, Ruffa , Shalani , Camille at Grace Lee with brands like Cotton On, Tosho, Forever 21, H & M, Zara , River Island, Mango, Ureban Outfitters, Warehouse, Dorothy Perkins will sell for only P250 each. Ang mga designers footwear like Michael Korrs, Nine West, Zara and a lot more will also sell at 250 each.
Ang mapapagbilhan ng mga items ay malaki ang maitutulong sa mga Yolanda survivors. Mark your calendar girls. Nag-shopping ka na, nakatulong ka pa sa mga survivors ng Yolanda.
No comments:
Post a Comment