Monday, December 30, 2013

Gov. ER at Shoot to Kill: Boy Golden na Graded "A" Pinulitika sa MMFF

There’s only two films sa current MMFF that was Graded A by the Cinema Evaluation Board (CEB) na sa layman’s term, the film will get a 100% Tax Rebate dahil sa ganda ng kabuunan ng pelikula.

Not all films kahit maganda ay nabibigyan ng ganitong recognition na mula sa gobyerno. Ang pelikulang 10,000 Hours nI Robin Padilla na humakot ng awards last Friday, December 27 sa Meralco Theater ay isa sa binigyan ng ganitong recognition. Second na binigyan ng Graded A ay ang pelikula ni Gov. ER Ejercito na Shoot to Kill: Boy Golden na dinirek ni Chito Rono na last Friday, na  ang pelikula got only a Konsuelo de Bobo  “Award” for Best in Float (na tunay na pinaganda).

 Pero after last Friday’s  kaengotan, buong bayan nagtatanong, bakit iniinsulto ng MMDA at MMFF ang sensibility ng Filipino movie going public sa nangyaring Gabi ng Parangal.
Sa simula, after learning that Robin’s film and Gov. ER’s Shoot to Kill: Boy Golden were Graded A by the (CEB) sabi ko, ang dalawa ang mag-pupukpukan sa award.

From the technical and creative category, ang dalawang pelikula ang maglalaban-laban.         
But to my dismay it was a mistake. Robin’s 10,000 Hours took home most of the major awards and Gov. ER’s film only got an award for Best in Float.    

Ano nangyari sa MMFF? Nahilo?

Insulto yong ginawang KONSUELO DE BOBO "Award" na ibinigay nila sa pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden.

Sa walong pelikula na naglaban tatlong pelikulang Graded B by the CEB ang pumuwesto sa Best Picture category na pinanalunan ng 10,000 Hours na sinundan ng  Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Vice Ganda and last as 3rd best Picture ay ang My Little Bossings.
Kung matino ka na Pinoy na manonood ng pelikulang Pilipino, paano mo i-explain ang pangi-insulto na ginawa ng MMFF/MMDA (na sila ang nagpapatakbo ng festival) sa isang pelikula na hinirang na Graded A?


Para sa akin, isang malinaw na pamumulitika na naman ito para sa Laguna Governor na ever since na naupo ay very vocal sa kanyang obserbasyon sa pamahalaang Pnoy kung sa panahon ng Martial Law with the troika of Ferdinand Marcos, Juan Ponce Enrile and Fidel Ramos(at isama na ang military man na si Fabian Ver) ang mga kalaban nila ay may bikig sa lalamunan. Madaldal ka at pintasero sa kanilang rehimen, asahan mo bigla ka maglalaho sa ibabaw ng lupa.

Kaso, wala tayo sa panahon ng Martial Law kaya siguro hindi rin  alam ni Pnoy kung papaano patatahimikin si Gov. ER.

Sa pamamagitan ng effort ni Gov. ER na gumawa ng pelikula para makatulong sa mga maliliit sa industriya ng pelikulang Pilipino, marahil, ang pangdadaot sa kanya sa pamamagitan ng MMFF ang bala ng pangkasalukuyang gobyerno para ipamukha kay Gov. ER na talo siya sa laban (in all aspect).

Three years in a row. Nakakapagod na rin na paulit-ulit ang ganitong istratehiya ng kalaban.

Kung ako sa MMDA, tuwing Pasko, asikasuhin na lang nila ang trapik sa buong Metro Manila lalo na during the Parade of Stars at hayaan ang pamamahala sa kabuunan ng film festival sa mga taga-industriya ng pelikulang Pilipino.


Dyahe, heto ang toilet paper, punasan nyo ang mga mukha nyo. Hindi po ako Bobo or shall I sila- sila sa MMDA at MMFF.

No comments:

Post a Comment