Monday, December 30, 2013

Mga "Showbiz" Jurors sa MMFF mga Luma at Pase'

May kontrobersiya ang katatapos lang na MMFF Gabi ng Parangal  noong nakaraang Friday, December 27 na ginanap sa Meralco Theater kung saan ang isang Graded "A" na pelikula Shoot to Kill: Boy Golden na hinirang ng Cinema Evaluation Board (CEB) ay walang naiuwi man lang na award sa kategoryang creative at technical except for a pa-"Konsuelo de Bobo" na Best in Float.
 
Direk Laurice Guillen

sa Sino-sino ba ang mga jurors na pinagkukuha ng MMFF ?

Balita namin noong simula from the ranks of ordinary or real “people” ang mga jurors na pinili nila mula from all walks of life. From what we’ve heard, may isang elementary school teacher from a Tondo school; may isang tindera sa palengke sa Kamuning Public Market; a Taxi driver, a graduating film student and a cchurch Pastor 

Ang latest na nabasa namin sa  PEP (December 29, 2013)  kabilang sina Laurice Guillen ( na nag-deteriorate ang galing ng mag-teleserye sa GMA 7); Emmanuel Borlaza (Vice Chairman ng MTRCB na retired na dapat);Romy Vitug dating sikat at kilalang cinematographer  na sabi may kalabuan na ang mga mata at si Edgardo Vinarao na isang film editor from nineteen "Kong-kopong"  na ang huling inedit na obra ay nakalimutan na.

Fr. Tito Caluag (in blue) and DepEd Sec. Armin Luistro
Kabilang din ang isang paring showbiz na showbiz na si Fr. Tito Caluag na mas gusto magpa-picture with the celebrities na always visible sa mga events ng Kapamilya Network; ang Beauty Queen na si Ariella Arida (beauty contest ba ito or model search?) at si Cristine Dayrit na isang travel columnist who reviews  food and restaurants, resorts and hotels na ewan ko kung ano ang kinalaman sa pelikula kahit kabilang siya sa Cinema Evaluation Board and the rest walang saysay sa paglikha at paghubog ng magandang pelikula para panoorin at pagkuhanan ng magandang moral values.

Sa susunod, pagkakatiwalaan mo pa ba ang MMFF at ang pamamalakad ng MMDA sa film festival na ang traffic nga sa buong Kamaynilaan ay hindi maresolba?

Sa mga "showbiz jurors; I suggest that  Ms., Laurice na mag-concentrate na lang sa Cine Malaya (saludo ako sa gawa mo sa puntong ito at huwag na mag- teleserye); kay  Maning Borlaza, Mang Romy at Mang Ed na dapat ine-enjoy na ang kanilang retirement. 

Tuloy, masisisi mo nyo ba ako na ang MMFF as always parang perya? Kung sabagay, kailan nga ba hindi nawalan ng intriga ang MMFF? Ihablin ba naman ang isang film festival sa mga Mayors na ang dapat atupagin ay ang traffic sa Metro Manila, ang mga "shabu tiange" sa kanilang kinasasakupan at ang mga nagkalat na mga basura sa lansangan and last but not the least ay ang mga kalsada na binabaha tuwing panahon ng tag--ulan.


No comments:

Post a Comment