Sa hirap ng role ni Vice Ganda, portraying four characters sa
MMFF 2013 entry ng Star Cinema at Viva Films na Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa direksyon ni Wenn Deramas,
hindi pupuwedeng hindi siya ma-nominate sa kategoryang Best Actor.
Hindi lang naman ang hirap ng portrayal niya sa kanyang role ang
basehan ng mga MMFF 2013 juros kundi pati na rin kung paano niya nai-portray
nang tama ang role niya sa pelikula. Sabi nga ni Vice na mahirap sa
kanya ang role ng tomboy dahil kontrolado niya ang pag-o-over acting sa
peg ng isang tomboy na hirap siyang iarte.
Kaya nga ‘pag nagkataon na makapasok si Vice, ito marahil ang
pelikulang comedy na alam mong puwede ilaban sa hanay ng mga pelikula
tulad ng Shoot to Kill: Boy Golden ni Gov. ER Ejercito; ang pelikula ni
Rocco Nacino tungkol sa buhay ng isang saint o naging santo at ang
pelikula ni Robin Padilla tungkol sa isang pulitiko na nakipag-hide and
seek mula ‘Pinas hanggang Amsterdam mula sa mga may kapangyarihan at
ang lima pang entries kabilang ang pelikulang Pagpag (Siyam ang Buhay) ni Daniel Padilla
na isang horror ang peg (may pamato kaya siya na puwedeng
makipagsabayan sa aktingan sa pelikula ng mga nabanggit na mga bida sa
obra na kanilang ilalaban?).
I’m sure happy ang Pinoy dahil mae-enjoy nila ang tawanan with Vice,
ang action scenes nina Gov. ER at KC Concepcion at ang pananakot sa
pelikulang Pagpag nina Daniel at Kathryn Bernardo, na alam ko dudumugin
ng publiko lalo pa’t tuwing Pasko, tradisyon na ang panonood ng mga
Pinoy movies ng bawat Pilipino.
No comments:
Post a Comment