Saturday, November 30, 2013

Happy Birthday Ka Andres at KM

Nobyembre 30, 2013 ngayong araw. Birthday ng mudra ko at ni Ka Andres.
Kung  buhay lang marahil si Ka Andres o' Boni ( tawag sa kanya sa makabagong panahon); 150 taon na ang lolo mo na pinapatay ni Emilio Aquinaldo sa kabundukan ng Maragondon sa Cavite.

 Kaya nga oks yong palabas ng Philippine Stagers Foundation (PSF) sa  interpretasyon nila tungkol sa buhay ni Ka Andres na  Bonifacio, Isang Sarsuwela na maka-ilang ulit na umiikot sa  iba't ibang mga paaralan sa Pinas at recently ay napanood namin sa St. Scholastica College last Sunday.

Tanada in Bonifacio by the PSF

Ang galing ng performance ni Vince Tanada (as Bonifacio) who can act, sing and dance. Napaka-powerful ng boses niya na kung nanonood kayo ng mga opera performances sa teatro, yun na yun ang tinutukoy namin na singing voice ni Vince. Si Kevin Posadas who is not just good looking on stage performed well naman as Emilio Aguinaldo at natantu ko na kapitbahay ko pala siya sa Kyusi. In fairness magagaling ang PSF.



While having my "Bonifacio Breakfast" at my favorite Mc Donald's-Pantranco naitanong ko sa sarili ko kung ano  kaya ang inihahanda ng madir ni Ka Andres kapag sumasapit ang kaarawan niya. Sa hirap ng buhay nila noon, naghahanda pa kaya ang madir niya ng "pansit" at pan Amerikano noong panahong ng rebolusyon?
KM Youth Lightning Rally last November. 29, 2012

Kasabay ng kaarawan ni Ka Andres ay kaarawan din 'o pagkakatatag ng Kabataang Makabayan (KM);ang youth organization ng National Democratic Front (NDF) na isinilang noong November 30, 1964. Today, 49 years old na ang KM at patuloy na rumaratsada sa iba't ibang pamamaraan nila ng propaganda (sa FB, Twitter at Instagram). Para kay Ka Andres at sa KM dahil kaarawan nyo ngayon magpa-pansit canton naman kayo!  Yong Big Spicy-Mansi huh!




Friday, November 29, 2013

Fresh and cutie Ken Chan in Maynila bukas na!


Bukas, Sabado November 30 ang last episode sa month long pagbibida ng youngstar na si Ken Chan sa morning anthology na Maynila.



si Joyce Ching naman ang makakapareha ni Ken  sa episode na Heart oif Trust. Sa mga previous episodes ni Ken sa Maynila, naging leading ladies niya sina Krystel Reyes at Kim Rodriguez. Tomorrow, Ken plays a young guy with amnesia sa episode dubbed “Heart of Trust”. 








One nice thing with Ken (we saw him perform in Bad Boy, Good Heart) na oks naman sa amin ang easy acting ng binata. With his Maynila exposure for almost a month, nasanay na siya umarte sa iba’t ibang mga karakter na ibinigay sa kanya.  In the near future, we hope to see Ken with better projects na for sure ikakatuwa ng mga fans niya.For the meantime follow Ken sa weekly late night show (actually Saturday early morning na) ni German Moreno na Master Showman...Walang Tulugan.





Takot ako... may mga Momooo sa loob ng Mall

Kaya siguro iba pakiramdam ko ng pumasok ako sa loob ng Starmall Alabang kahapon (Miyerkules). I feel eerie . Sumakit ang ulo ko. May kakaibang pangitain na naglipana ang mga ghostly vision. Nalaman ko lang na dating sementeryo pala yong kinatatayuan ngayon ng mall. Ano kaya ginawa ng nagtayo ng building doon, hinukay ang mga buto ng mga nakalibing at inilipat sa ibang lokasyon 'o tinayuan na lang ng gusali habang nakabaon pa sa lupa ang mga patay na ang iba ay buto na ng mahukay? Yong parking area sa itaas ng mall madilim, iba ang ihip ng hangin...ayaw ko na bumalik dun.

Sabi ng Ching Onella na taga-Muntinlupa sa FB message niya ng mabasa ang encounter kong ito: Taga-Muntinlupa ako kaya alam ko...sementeryo yan dati. Sa supermarket may mga nagpaparamdam. Mga 10 years na rin daw nakatayo ang building ng Star Mall Alabang na dating sementeryo. Dagdag pa ni Ching sa PM niya sa amin: Noong bago pa lang yan mga around '98 konti pa lang kami nanonood kami ng friend ko ng sine pero feeling namin madami kaming katabi na nanonood.
Nakakaloka.Sobrang lamig pa.
Ikaw na nagbabasa ng blog item na ito taga-Alabang ka ba? Napasok mo na ba itong Star Mall? Minulto ka na ba sa mall na dati pala sementeryo?



Thursday, November 28, 2013

Isang gabi sa Tagaytay, si Atorni Vince at ang mga Lasalista ng Tafat...

Antok mode pa rin. Left Tagaytay around 5am today with Glenn Regondola habang himbing pa sina Maryo Banlat Labad, Alex Datu, Robert Silverio at Ramona Patubo sa pagkakatulog. Mula Olivares/Tagaytay Circle lumulan kami ng A/C Bus pabalik ng Manila. Pagdating namin ,super traffic na sa Vito Cruz/DLSU around 7:45AM. Breakfast muna kami ni Glenn sa favorite Jollibee ko (pancake at corned beef) habang si Glenn palinga-linga sa mga lumalabas-pasok na mga "real" La Salle student at doon sa mga feeling Lasalista na taga-CSB sa tapat ng DLSU-Taft.

Jordan Larda & Vince Tanada

Sabi ni Glenn tawag sa College of St. Benilde ng mga istudyante sa kanilang mga sarili ay mga  Lasalista (din)- mga taga-La Salle"Tafat" nga lang. Biruan daw yun para ma-identify kung true blooded DLSU (Taft) stude ka kaysa doon sa "Lasalista" na hindi nakapasok sa quota (or sablay sa entrance exam) ng DLSU pero gusto maging berdadero ang dugo. After breakfast plano namin na mag-MRT to Recto then transfer sa route ng LRT 2 going to Cubao para doon na lang ako kukuha ng taxi pauwi ng Morato habang si Glenn na nagmamadali at may duty pa ng 3PM sa ospital na pinaglilingkuran.
Jordan in a scene with JP Lopez as Padre Diego
didiretso hanggang Santolan. Paglabas ng Jollibee ang dami pala mga A/C FX na bumabaybay ng Taft-Manila patungong Fairview/Project 6. Sabi ko kay Glenn ito na lang sakyan namin para diretso na sa Quezon Avenue at siya naman bumaba na lang ng P. Campa para tumawid patunong LRT 2 Legarda Station para doon sumakay pauwi ng Santolan (Pasig). Pagdating ko ng bahay natulog agad ako. Woke up at 1:00 pm. Kumain ng lunch. Sleep again... Mcdo Coffee later bago pumunta ng BDO (mahabol ko sana until 5:30pm). Fun night in Tagaytay noong gabi with Atty. Vince Tanada & the PSF actors like Kevin Posadas and the boys.  Ang PSF ang nag-produced ng Pedro Calunsod  D' Muuuuzzziiikkkaall; Bonifacio-Isang Sarsuela at marami pang mga stage productions.
Star that night sa usapan si Alex Datu at ang kuwento tungkol sa doktor na nagreretoke ng mukha at katawan para ang mga pangit na gusto gumanda at ang mga lumba-lumba na nagiilusyon na maging seksi katulad ni Marian o' Cristine.

Palanca Awardee Atty. Vince Tanada na isang Artista...

Habang isinusulat namin ito nag-PM ang isang kakilala kung anong meron sa Tagaytay? Sagot ko, nagimbita si Atty Vince sa amin para saksihan ang isa na namang performance nila  and this time ay mga excerpts ng mga Broadway Musicals like Cats, Rent, etc. na ang grupo niyang Philippine Stagers Foundation (PSF) actors, singers & dancers ang nagbigay aliw sa isang awarding ceremony na ginanap sa Taal Vista Hotel kagabi.  Ang galing nila... minsan ikukuwento ko kung sino si Atty Vince at ang PSF na grupo niya at ang mga pangarap niya sa industriya ng pelikula, tanghalan at pati musika.

Wednesday, November 27, 2013

Marion Aunor Super Talented

Nice to learn na mula ng ma-launched ang "Fallen" music cd ni Marion Aunor, tuloy-tuloy na ang usad ng career ng maganda at super talented na singer dubbed as the Nora Jones of the Philippines  kahit hindi kami sangayon dahil sa sariling niyang talent, Marion is a super talented gal on her own dahil sa galing niyang kumanta at mag-compose.

Sa panahon na sampu-sampera ang mga bagong talent o' singers, nag-excell siya dahil Marion is not just super talented ( she sings, she writes her own songs and also plays the piano) na hindi lahat ay keri ang ganitong peg ng mga baguhan.
The latest on Marion is her rendition of the song " My Only Love (originally sung by Sharon Cuneta) which is included in the "Got to Believe in Magic" soundtrack now out from Star Records




Today (November27, 2013, Wednesday); sa mga fans ni Marion, catch her sa kanyang radio promo in the following radio stations and time:

*1:30pm - 2pm: Radyo Agila 1062/Net 25
*2pm - 2:30pm: Pinas FM 95.5
*5pm - 6pm: Energy FM 106.7
*8pm - 9pm: MOR 101.9 FM
*10pm: DZMM 630

German Moreno Magdedemanda!

Nakausap namin si Kuya Germs (German Moreno) last night sa birthday concert ni Michael Pangilinan na naganap sa Zirkho-Morato.
Pinabulaanan niya na sinadya mambastos ng alaga niyang si Jake Vargas sa isa din niyang alaga na si Ken Chan sa promo ng album ni Bea Binene sa Harrizon Plaza Mall a couple of weeks ago."Kung andito lang ako sa Pilipinas at that time, ipagpapaalam sa akin ng show organizer ang mangyayaring duet ni Jake at Bea. Alam ko na romo yun ng CD ni Bea kugn saan may isang song sa CD na nag-duet sila ni Ken."
Nasa Amerika si Kuya Germs during that time para tumangap ng award mula sa Gawad. Amerika.

 Galit si Kuya Germs. "Hindi dapat mangyari yun dahil pareho ko sila (Jake and Ken) mga talent. Hindi alam ni Jake yong ganun na mambabastos siya sa kapwa niya talent o artista," dagdag pa ng Master Showman.
Ayon kay Kuya Germs, as of this writing hindi pa nakikipagusap sa kanya ang taong concern sa naganap na mga eksena sa music CD promo ni Bea na naglagay sa alanganin sa alaga niyang si Jake na nagbigay sa binata ng hindi magandang impresyon sa tingin ng publiko.

Kuwento pa ng Master Showman sa amin; plano niya mag-demanda sa kompanya ng music cd ni Bea at ang in-charge sa  nasabing mall tour na tuloy naglagay kay Jake in bad light.




Tuesday, November 26, 2013

Willie Sinunog ang 120M sa Casino at Naibenta na ang Wil's Event Place


Tutuo ba na only last month of October, nagpatalo ng almost 120 million pesos sa casino ang komedyante na si Willie Revillame?
Ok, it’s not our money. Pera nya yun na pinaghirapan niya. Wala ako pakialam kung ano ang gagawin man niya sa kanyang milyones (pero sayang di ba?)
Pero abuso na sa panahon ng kahirapan ng Pilipinas, sa loob ng 30 days ay iwawaldas lang niya ang kung ilang million niya sa sugal?
Is it true na pati ang Wil’s Event Place na pagaari niya na located along Sgt. Esguerra (malapit sa ABS-CBN) ay naibenta na rin niya sa halagang 200 million at bayad na rin sa komedyante-host ang property ng nakabili?



Just asking lang naman. Sayang naman yong pinaghirapan ni Willie kung tutoo man ito. Tutoo din kaya na ito rin ang dahilan kaya galit and anak niya na si Merlyn Soriano (anak niya kay Beck-beck Soriano na kapatid ni Maricel) dahil sa pagiging sugarol ng ama?
Sana hindi tutoo. Sayang ang mga pinaghirapan mo.

Monday, November 25, 2013

Michael Pangilinan ang "Kilabot ng mga Kolehiyala" celebrates birthday with 18MPH

Bukas na ang birthday celebration ng guwapong si Michael Pangilinan with a fund raising concert dubbed  18MPH (Music in Perfect Harmony) na magaganap sa Zirkho-Tomas Morato sa Quezon City na ang part ng proceeds ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Iloilo.
At sa kanyang birthday celebration, ang newcomer na tinaguriang bagong "Kilabot ng mga Kolehiyala” na dati’y tawag kay Hajji Alejandro ay masaya to celebrate it with a concert and share his blessings sa mga nasalanta ng bagyo.



One thing nice about the concert, ang daming supporters ni Michael na magpe-perform sa kanyang birthday concert tulad nina Carlo Aquino, Jimmy Bondoc, Luke Mejares, Aljur Abrenica at maraming pang iba. Isa sa mga erformer na hindi inaasahan ni Michael na personal na nag-volunteer to be part of his concert ay si Allan K. 




This year Michael launched his first music CD " Bakit Ikaw Pa?" na produced ni Vehnee Saturno and Jobert Sucaldito (his manager) released by Star Records. Personally, like ‘ko yong  awitin ni Pabs Dadivas (kasabayan nina Haddji at Basil Valdez) na Kung Sakali na ni-revive ni Michael para sa kanyang CD. Michael is a product of X Factor (one of the semi- finalist) and is part of German Moreno's Master Showman "Walang Tulugan Show".

Sylvia Sanchez Proud Nanay ni Arjo Atayde!

Proud Nanay si Sylvia Sanchez sa mahigpit na yakap sa anak ng i-announce na si Arjo Atayde ang nanalo as 27th PMPC Star Awards for Television Best Supporting Actor para sa kanyang performance sa afternoon seryeng Dugong Buhay ng Kapamilya Network sa ginananap last night (November 24, 2013) sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.




Pangarap at dasal ni Ibyang na matupad ang mga pangarap ng anak niya sa showiz ay dahan-dahan naman naisasakatuparan. Ang picture na ito na kuha ng kaibigang Andrew Ricafort at last night event says it all. No need for a poetic caption kung gaano kamahal ng aktres ang kanyang binata.
After Dugong Buhay, balita namin may gagawin bagong teleserye si Arjo na halaw sa isang Korean Tele-Novela sa first quarter of 2014.
Congratulations Arjo! I know, proud Nanay ka Byang!

PILIPINAS under RED ALERT!

From an appointment sa St. Scholastica College sa Singalong yesterday (Sunday,November 24, 2013) to watch Pedro Calunsod D' Muuuzzziikkalll written and directed by Vince Tanada's Philippine Staggers Foundation; tumuhog ako sa AFP Theater para sa Star Awards. Padating sa 15th Avenue gate ng Camp Aguinaldo, sabi ng Military Police naabutan ako ng curfew.







Bawal na pumasok ang taxi. Bawal na rin maglakad papasok from the gate to Star Awards venue which is almost 500 meters away. Kung gusto ko daw pasundo ako sa may gate at papayagan ako makapasok. Decided na huwag na lang at mag-monitor na lang ako sa mga ibinabatong kuwento ng mga kaibigan sa loob ng AFP Theatre. Sabi nga pala ng military police na nagbabantay sa gate last night naka-RED ALERT sila ngayon. Hindi na ako nag-urirat kung bakit? 




May coup ba 'o pagaaklas o may tumiwalag sa AFP bosing laban sa Commander in Chief nila na si Pnoy dahil ang relief na dapat naipamahagi na sa mga naiwanan nila sa Leyte, Samar, Panay at Palawan na nasalanta ni Yolanda ay nakatago pa rin sa mga bodega.
Balita ko nga, ang mga iinamamahagi ng SDWD at ng gobyerno natin ay mga luma at nabubulok na relief goods from last year's bagyo.




Naalala ko noong kauupo pa lang ni Tita Cory nun na kaliwa't kanan ang mga pagaaklas ng mga militar laban sa kanyang pamunuan. Sa panahon ng anak niyang si Pnoy wala pa yatang coup na naganap.

Ewan! Nag-kape na lang ako sa Mc Donald's bago umuwi na na-enjoy ko pa.

Vilma Santos Nagsinungaling sa mga taga-Tanauan (Batangas)

Okey na sana nang sabihin ng office ni Batangas Gov. Vilma Santos na hindi siya makararating sa 1st Tanauan Batangas Dragon Boat Festival noong Sabado (November 23, 2013) ng umaga sa dalamasigan ng Barangay Wawa at Boot sa Tanauan sa pamamagitan ng imbitasyon ni Mayor Thoy Halili.

Nang malaman ng mga in-charge sa pag-iimbita ng mga guests na hindi puwede si Governor Vi sa araw na ‘yun at nasa Amerika siya (tulad sa idinahilan sa kanila), nalungkot ang mga taga-Tanauan lalo pa’t maganda sanang promotion ito sa turismo ng bayan. Pero oks lang sa mga constituents ni Gov. Vi dahil naintindihan naman nila. Nagbabaka-sakali lang sila na sana makapag-grace si Ate Vi sa kanilang okasyon.
Pero noong umagang ‘yun, tila nagkabukingan. Dumating ang Provincial Tourism Officer ng Batangas para dumalo sa event. Nang tanungin siya about Gov. Vi kung si Governor ay natuloy sa isang out of the country trip (USA); nagulat ‘yong taga-Tourism office na parang nagtataka. “She’s just here,” wika niya sa ilang mga town officials na sumalubong sa kanya at nag-asikaso.

In short, nabuking na si Ate Vi and your Batangas Governor ay andito lang pala sa ‘Pinas at tinanggihan (kung ano man ang rason ni Ate Vi) ang imbitasyon para dumalo sa isa sa malalaking event ng kanyang lalawigan that can help Tanauan City at ang mga taga-roon kung sakaling mag-click ang naturang event na planong gagawin on a yearly basis.
Tuloy, naikumpara si Gov. Vi at si Gov. Joey Salceda of Albay na ‘di hamak na kakain ng alikabok si Ate Vi sa bilis, sipag at debosyon sa kanyang trabaho at paglilingkod sa kanyang mga kinasasakupan.
Tuloy tanong sa amin ng isang kaibigan, “Sinu-showbiz ba ni Gov. Vi ang invitation? Kung kailan lang niya gustong umapir  o ayaw lang niyang magising nang napakaaga dahil ala-sais pa lang nagsimula na ang programa?”

Pero kahit wala si Ate Vi sa event na yun nairaos ang 1st Tanauan Dragon Boat Festival na dinaluhan ng iba't ibang dragonboat rowers. Hopefully next year this will be a bigger event at plano ng mga tagapamahala na mag-invite ng mga Internationale teams para mas malaki ang event which I personally enjoyed.

Friday, November 22, 2013

Jake Vargas: Bastos,Askal, Epal at Engot Pa!

Jake Vargas: Ang Askal
Kung hindi ba naman bastos itong si Jake Vargas, enggot din pala itong alaga ni German Moreno.
Nagrason pa na hindi daw niya binastos ang baguhan na si Ken Chan ( isa din sa mga alaga ni Kuya Germs) ng mag-promote ng kanyang music CD si Bea Binene na sinasabing ex-girlfriend ni Jake ayon sa isinulat ng kaibigang John Fontanilla sa kanyang column.
Ang rason ni Jake, kaya siya pumunta sa mall show ni Bea ay sa dahilan sa gusto niya itong suportahan.
Kung hindi ba naman gunggung na utak galungong itong si Jake, ang pinu-romote ng recording company at ng GMA Artists Center ay ang bagong tambalang Bea-Ken.
Ang malala pa ay nakipag-duet pa itong si Jake with Bea na very uncalled for dahil promo ito ng dalawa (Bea and Ken). In short, ASKAL ang papel ni Jake na dahil sa utak galunggung nga ay naging super "EPAL.
Bea, Jake and Kuya Germs
Tapos na ang role niya sa tambalan nila ni Bea at binubuwag na. Ano pa ang ginagawa niya na hahara-hara at nagkakalat pa sa promo nina Bea at Ken.
Kung anong meron man sila ngayon ni Bea at kung nagkabalikan man sila huwag na siya magkalat. Itago na lang nila sa loob ng kotse o sa kuwarto dahil may sinasagasaan siya. Itong si Bea na isa din pasaway hindi rin mapigilan.
Ken Chan: Ang Biktima


Wala ito ipinagiba in the 90's na may pinu-promote na  pelikula si Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla na kahit nasaan si Binoe noon ay bumubuntot si Vina Morales noon sa action star dahil magkarelasyon ang dalawa.
Sa pagka-pikon ni Mega at nasisira ang promo ng pelikula nila ni Robin, kung hindi ako nagkakamali ay napagsalitaan niya si Vina noon.

Asan ba si Kuya Germs na tila hindi niya masuway at maawat ang ginagawa ng alaga niyang jologs na askal na epal pa.








Juday at Ryan Maghihiwalay?

Nauna si Judy Ann Santos na nag-ere ng kanyang game show for  babies sa Kapamilya Network. Kung hindi ako nagkamali, noong September or October nagsimula ang show.
Kitang-kita kung gaano kasaya si Juday kapag hinu-host niya ang Saturday game show niya para sa mga bulilit.
But is it true na sa bagong show ng mister niyang si Ryan Agoncillo sa kalabang istasyon ('yong sa kanto na katabi ng Kamuning  MRT Station) ng Kapamilya ay itatapat ng station management sa show ni Juday na magsisimula naman ngayong November.
May balitang nakarating sa amin na strategy diumano ito ng kalabang istasyon ng Kapamilya Network para mapagusapan ang show ni Ryan.
Maging si Tito Alfie Lorenzo ay na-bad trip sa gagawin na ito ng network na magpo-produce ng game show ni Ryan.
Kahit saang angulo mo man tingnan, in bad taste ito kung sakaling walang pagbabago na tatapatan ni Ryan ang show ng kanyang misis.
Masaya ang pagsasama ng mag-asawa. In short, happy family sila. Namumuhay na matahimik at walang intriga kahit both are very active sa showbiz.

Dahil sa Network War malamang madadamay (kahit hindi sinasadya) ang buhay mag-asawa nila at isa itong risk na kung sakaling matuloy na magkatapat ang game show ng dalawa
Kung sakali, na tuloy ang bangayan ng shows ng mag-asawa walang sisihan at inaasahan ng marami na ang kasunod nito ay kaliwa't kanang intriga na mauuwi sa hilawalayan.
Of of this writing, hindi pa namin nakakausap ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer to shed light on this issue.




Thursday, November 21, 2013

My Husband's Lover Pinagkaguluhan sa Pagdating sa SFO

Sweet ng mag-Beh.
Pinagkaguluhan ang cast ng beki-seryeng My Husband's Lover (MHL) ng mga Pinoys sa pagdating nila kanina at around 6:32 (PST) sa San Francisco International Airport (SFO). Kabilang ang mga artistang dumating ay sina Tom Rodriguez, Carla Abellana at Dennis Trillo kasama sina Pancho Magno, Victor Basa at Kuh Ledesma ayon sa information sa atin ng West Coast Entertainment Writer and Event Organizer na si JB Adkins with Carla in the picture below.
JB and Lally (Carla Abellana)






The following are the places kung saan magso-show ang cast ng MHL for their " One More Try" concert sumusunod: November 22 (San Mateo Performing Arts); November 24 (Thunder Valley Resort Casino); December 7 (Angeles Centenela Performing Arts Center) at sa East Coast magtatanghal din ang casts sa Maryland at New York.
Talent Manager Popoy Caritativo with his Boys (Dennis & Tom) at In N Out Burger

Kung Ayaw ni Galema Aayawan mo ba si Albie Casino?

HOT! SEXY!Albie Casino ang alleged father ng baby gilr ni Andie Eigenam aka Galema. Look at the photos and imagine na ikaw si Andie. The photos where taken recently sa isang fashion show ng Lat Machine.




Photos: Jing Lenard

Kobe & Andre Paras mga BASTOS!

Hindi naman tama na ke-bago-bago nila sa showbiz ( kung gusto nila sumikat at makilala) ay ganun ang gawin ng magkapatid na sina Kobe at Andre Paras sa mga kasamahan nilang mga artista na naghintay sa kanila sa taping ng Ceberity Bluff ng Kapuso Network na naganap kanina.
Ayon sa post ni Angelu de Leon sa kanyang Instagram and Facebook account si Bobby Andrew (kapareha niya sa naturang gameshow) ang pinakauna na dumating sa mga guests.
To quote Angelu: After the Paras Brothers came in 2 hours late and no apologies from them, na sad talaga ako. Kasi i needed to go back sa taping ng Pyra after Celebrity Bluff kaya ako na-late sa taping ko.
Ang magkapatid na Paras ay anak ng sikat na basketbolista na si Benjie Paras sa dating artista na si Jackie Forster. 
Para sa akin kabastusan ito.
Mabuti na lang mababait ang mga artista na kasabayan nila sa taping. 
Pero dahil sa ginawa ng magkapatid, tuloy si Angelu ang na-late sa isa niyang commitment na siya ngayon ang nagmukhang unprofessional dahil sa kagagawa ng mga pasaway na magkapatid.