Tuesday, December 31, 2013

Willie Revillame Na-hold sa Solaire Casino dahil sa P300M na Utang?



Noong last October, ang tsismis nagpatalo diumano ng P120M si Willie Revillame sa casino.
Recently only this December, tutoo ba ang balita na-hold si Willie ng almost two days sa Solaire Hotel and Casino at ayaw palabasin dahil sa utang nito na almost P300M na naiwaldas ng host-comedian in only two days?


Ang tsika, hangga’t hindi nababayaran ni Willie sa tsikang utang niya sa isang casino financier, hindi ito pinalabas at binantayan ng husto ng mga tauhan ng casino financier.
Ok, hindi ko pera ang pinapatalo ni Willie sa sugal. Kanya yun. Siya ang naghirap na pibagtrabahuan ang mga milyones niya pero nakapanghihinayang habang ang Pasko para sa iba ay tag-tuyot at may kakulangan at kung minsan, walang pagkain sa hapag kainan.
Sayang lang. Nakapanghihinayang lang.

Sino kaya ang malapit kay Willie na nakikinig siya at hindi siya mapagsabihan na ang balon ng kanyang kayamanan ay may hangganan din. Hindi ito dagat na walang hangganan at matutuyuan.


Feeling ko, mali at walang concern ang naga-advise sa kanya sa kasalukuyan niyang estado.
The fact na wala siyang TV show at ang Kapamilya Network ay walang balak na pabalikin siya sa ABS-CBN after magbigay siya ng sakit ng ulo; ang istasyon naman ni MVP deadma at hindi ni-renew ang contract niya at yong TV station along EDSA sa tabi ng Kamuning MRT Station ay most likely ayaw ng show na hindi nagre-rate; biro ng isang mataray na entertainment reporter sa amin:” Baka gusto niya sa NBN 4, pwede ako ang mag-mediate sa kanya.”

Hoping  may clarification sa kampo ni Willie para mabura na ang negative na imahe na ito para sa host-comedian na only last weekend at nagtungo sa Tacloban para sa kanyang relief giving operations at special show sa mga nasalanta at survivors ng bagyong Yolanda.

Ad of this writing, may nabasa ako na umaasa pa rin si Willie na maging maganda ang pasok ng 2014 sa kanya sa kagustuhan niya na makabalik muli sa kuwadra ng Kapamilya Network na minsan na rin niya binigyan ng sakit ng ulo.

Monday, December 30, 2013

Paolo Avelino Pursigido Suyuin si KC Concepcion sa 2014

Mula ng magpahayag si KC na for 2014 ay dapat may boyfriend na siya, tila ganun na nga ang plano ng aktor na mag-pursige para masungkit ang matamis na "yes" ng dalaga.

Aside from his busy career with the teleserye Honesto ( right after TV Patrol) na halos every other day ang taping ( kung hindi man araw-araw, may malaking project ang aktor for 2014.

The other night, pinanood namin ang pelikulag Pagpag (Siyam na Buhay) and in fairness magaling si Paolo at si Shaina Magdayao who plays his wife.

Ilang beses din kami nagulat sa mga eksena na tuwing nanonood kami ng pelikulang tulad nito, dapat may shock-boggie factor kami na maradaman para ma-enjoy namin ang isang horror movie.

Ngayon na halos patapos na ang Kapaskuhan, mukhang ang concentration ni Paolo ay ang pagigihin ang panliligaw kay KC lalo pa't aminado ang dalaga na may "kilig" moment siya kapag si Paolo na ang ka-text niya. 

Itong nakaraang Christmas Season free time lang ng aktor ang December 24 and 25. I just don't know kung natuloy ang bakasyon niya with his son na balita namin ay sa Baler (Aurora Province) sila naka-schedule na mag-spend ng Christmas ng anak niya kung wala itong changes.

Sa  2014, kung ano man ang ending ng panunuyo ni Paolo kay KC ay abangan nga natin kung masusungit ng binata ang pihikang puso ng dalaga.


 


Mga "Showbiz" Jurors sa MMFF mga Luma at Pase'

May kontrobersiya ang katatapos lang na MMFF Gabi ng Parangal  noong nakaraang Friday, December 27 na ginanap sa Meralco Theater kung saan ang isang Graded "A" na pelikula Shoot to Kill: Boy Golden na hinirang ng Cinema Evaluation Board (CEB) ay walang naiuwi man lang na award sa kategoryang creative at technical except for a pa-"Konsuelo de Bobo" na Best in Float.
 
Direk Laurice Guillen

sa Sino-sino ba ang mga jurors na pinagkukuha ng MMFF ?

Balita namin noong simula from the ranks of ordinary or real “people” ang mga jurors na pinili nila mula from all walks of life. From what we’ve heard, may isang elementary school teacher from a Tondo school; may isang tindera sa palengke sa Kamuning Public Market; a Taxi driver, a graduating film student and a cchurch Pastor 

Ang latest na nabasa namin sa  PEP (December 29, 2013)  kabilang sina Laurice Guillen ( na nag-deteriorate ang galing ng mag-teleserye sa GMA 7); Emmanuel Borlaza (Vice Chairman ng MTRCB na retired na dapat);Romy Vitug dating sikat at kilalang cinematographer  na sabi may kalabuan na ang mga mata at si Edgardo Vinarao na isang film editor from nineteen "Kong-kopong"  na ang huling inedit na obra ay nakalimutan na.

Fr. Tito Caluag (in blue) and DepEd Sec. Armin Luistro
Kabilang din ang isang paring showbiz na showbiz na si Fr. Tito Caluag na mas gusto magpa-picture with the celebrities na always visible sa mga events ng Kapamilya Network; ang Beauty Queen na si Ariella Arida (beauty contest ba ito or model search?) at si Cristine Dayrit na isang travel columnist who reviews  food and restaurants, resorts and hotels na ewan ko kung ano ang kinalaman sa pelikula kahit kabilang siya sa Cinema Evaluation Board and the rest walang saysay sa paglikha at paghubog ng magandang pelikula para panoorin at pagkuhanan ng magandang moral values.

Sa susunod, pagkakatiwalaan mo pa ba ang MMFF at ang pamamalakad ng MMDA sa film festival na ang traffic nga sa buong Kamaynilaan ay hindi maresolba?

Sa mga "showbiz jurors; I suggest that  Ms., Laurice na mag-concentrate na lang sa Cine Malaya (saludo ako sa gawa mo sa puntong ito at huwag na mag- teleserye); kay  Maning Borlaza, Mang Romy at Mang Ed na dapat ine-enjoy na ang kanilang retirement. 

Tuloy, masisisi mo nyo ba ako na ang MMFF as always parang perya? Kung sabagay, kailan nga ba hindi nawalan ng intriga ang MMFF? Ihablin ba naman ang isang film festival sa mga Mayors na ang dapat atupagin ay ang traffic sa Metro Manila, ang mga "shabu tiange" sa kanilang kinasasakupan at ang mga nagkalat na mga basura sa lansangan and last but not the least ay ang mga kalsada na binabaha tuwing panahon ng tag--ulan.


Gov. ER at Shoot to Kill: Boy Golden na Graded "A" Pinulitika sa MMFF

There’s only two films sa current MMFF that was Graded A by the Cinema Evaluation Board (CEB) na sa layman’s term, the film will get a 100% Tax Rebate dahil sa ganda ng kabuunan ng pelikula.

Not all films kahit maganda ay nabibigyan ng ganitong recognition na mula sa gobyerno. Ang pelikulang 10,000 Hours nI Robin Padilla na humakot ng awards last Friday, December 27 sa Meralco Theater ay isa sa binigyan ng ganitong recognition. Second na binigyan ng Graded A ay ang pelikula ni Gov. ER Ejercito na Shoot to Kill: Boy Golden na dinirek ni Chito Rono na last Friday, na  ang pelikula got only a Konsuelo de Bobo  “Award” for Best in Float (na tunay na pinaganda).

 Pero after last Friday’s  kaengotan, buong bayan nagtatanong, bakit iniinsulto ng MMDA at MMFF ang sensibility ng Filipino movie going public sa nangyaring Gabi ng Parangal.
Sa simula, after learning that Robin’s film and Gov. ER’s Shoot to Kill: Boy Golden were Graded A by the (CEB) sabi ko, ang dalawa ang mag-pupukpukan sa award.

From the technical and creative category, ang dalawang pelikula ang maglalaban-laban.         
But to my dismay it was a mistake. Robin’s 10,000 Hours took home most of the major awards and Gov. ER’s film only got an award for Best in Float.    

Ano nangyari sa MMFF? Nahilo?

Insulto yong ginawang KONSUELO DE BOBO "Award" na ibinigay nila sa pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden.

Sa walong pelikula na naglaban tatlong pelikulang Graded B by the CEB ang pumuwesto sa Best Picture category na pinanalunan ng 10,000 Hours na sinundan ng  Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Vice Ganda and last as 3rd best Picture ay ang My Little Bossings.
Kung matino ka na Pinoy na manonood ng pelikulang Pilipino, paano mo i-explain ang pangi-insulto na ginawa ng MMFF/MMDA (na sila ang nagpapatakbo ng festival) sa isang pelikula na hinirang na Graded A?


Para sa akin, isang malinaw na pamumulitika na naman ito para sa Laguna Governor na ever since na naupo ay very vocal sa kanyang obserbasyon sa pamahalaang Pnoy kung sa panahon ng Martial Law with the troika of Ferdinand Marcos, Juan Ponce Enrile and Fidel Ramos(at isama na ang military man na si Fabian Ver) ang mga kalaban nila ay may bikig sa lalamunan. Madaldal ka at pintasero sa kanilang rehimen, asahan mo bigla ka maglalaho sa ibabaw ng lupa.

Kaso, wala tayo sa panahon ng Martial Law kaya siguro hindi rin  alam ni Pnoy kung papaano patatahimikin si Gov. ER.

Sa pamamagitan ng effort ni Gov. ER na gumawa ng pelikula para makatulong sa mga maliliit sa industriya ng pelikulang Pilipino, marahil, ang pangdadaot sa kanya sa pamamagitan ng MMFF ang bala ng pangkasalukuyang gobyerno para ipamukha kay Gov. ER na talo siya sa laban (in all aspect).

Three years in a row. Nakakapagod na rin na paulit-ulit ang ganitong istratehiya ng kalaban.

Kung ako sa MMDA, tuwing Pasko, asikasuhin na lang nila ang trapik sa buong Metro Manila lalo na during the Parade of Stars at hayaan ang pamamahala sa kabuunan ng film festival sa mga taga-industriya ng pelikulang Pilipino.


Dyahe, heto ang toilet paper, punasan nyo ang mga mukha nyo. Hindi po ako Bobo or shall I sila- sila sa MMDA at MMFF.

Friday, December 27, 2013

Ryzza Mae Dizon the Youngest Box-Office Sensation and its' not Bimby!

Unofficial report, as of today December 27, 2013- Friday naka P102,345,147 na ang gross result sa box-office ng pelikulang My Little Bossings. Sila ang  nangunguna mula pa noong simulan ang MMFF last Wednesday (December 25).

Yesterday, gusto sana manood kahit isa man lang pelikula sa Gateway Cineplex sa Cubao pero nairita ako dahil sa haba ng pila bago ko  marating ang counter ng nagtitinda ng ticket.

Kaya I decided na mag-observe na lang sa mga komentaryo ng " working class". Madaming mga bata na karay-karay ni Nanay o ni Tatay na gusto manood ng My Little Bossings.

Tulad ko, fan ako ni Ryzza Mae Dizon na halos tuwing umaga kung hindi rin lang aligaga sa mga morning commitments ko ay pinapanood ko muna ang The Ryzza Mae Show para mapangiti man lang niya ako before I start my day while having coffee.
Aliw ako sa bubuwit na ang tawag din kay Ryzza at Aleng Maliit. may karisma siya sa publiko na halos lahat, masa o mapa-sosyal man ay natutuwa sa kanya,

Ryzza with Maricel Soriano


Ang daming fans ni Ryzza reason why nangunguna ang pelikula niya with Bossing Vic Sotto at James "Bimby" Yap Jr. Iba ang kanaturalan niya. Sa trailer pa lang ng pelikula, laugh na ako sa kanya. Mabuti na lang magaling siya sumalo sa mga eksena nila ni Bimby.

We have not seen the film dahil ang daming tao na halo-halong naka-pila na gustong manood ng mga MMFF entries.


And please lang, be fair kay Aleng Maliit dahil kaya dinuumog ang My Little Bossings aside from the fact na si Bossing Vic ang isa sa mga bida, it is because
of her.

Yes, it's Ryzza Mae Dizon ang rason kung bakit ang mga bata kasama ni Nanay, Tatay, Ate, Kuya, Lolo, Lola at ni Bunso.


I want to contradict na si Bimby ang Youngest and Newest Box-Office Sensation. Nakakahiya naman kay Aleng Maliit para ibigay sa iba ang papuring ito at pagkilala dahil ito naman talaga ang katotohanan,


Tuesday, December 24, 2013

MMFF Entry Shoot to Kill: Boy Golden Graded "A" ng Cinema Evaluation Board



Akala ko at first it was just another Pinoy Action film na ang kuwento ay ang kagilas-gilas na suntukan, barilan, kaliwa't kanang mga action stunts ng bida laban sa kanyang mga kaaway. 

Dagdagan mo pa ng engkuwentro at tunggalian ng bida at ng kanyang mga kaaway na ang barilan ay eksena isa laban sa sangrekwang mga goons at kumpleto na ang elemento ng isang action movie na ang bida ay "macho" at kagilas-gilas para magka-interest ang regular action film fanatics para panoorin ang isang pelikula. 

But not with Director Chito Rono na first time gumawa ng isang pelikulang aksyon na alam natin hindi forte ni Direk Chito ang MMFF 2013 entry na Shoot to Kill: Boy Golden na bida si Gov. ER Ejercito pero naikuwento niya ng malinaw at na-execute ang mga eksena at mga karakter sa pelikula na maayos. 

Halos lahat ng mga supporting characters  tulad nina Tonton Gutierrez, John Estrada, Jhong Hilario, Gloria Sevilla at Mr. Eddie Garcia ay naipakilala niya ng maayos na kahit sinong manonood ay magkakainteres alamin ang bawat karakter at madali maiintindihan kung ano ang papel nila sa buhay ng "guwaping" na hoodlum na si Arturo Porcuna ( isang real life character in the 50's) na una nakilala sa alyas na Anino na kinalaunan ay nakilala bilang si Boy Golden.  



The fact that the film was Graded A by the CEB, patunay lang na maganda ito na kami rin mismo hindi nagkamali na after watching the film, ito ang pelikula na may kuwento at lahat ng mga karakter ay gumagalaw at hindi lang dekorasyon para pandagdag artista o' karakter sa isang pelikula.
Magaling si Gov. ER. lalo pa't sinahugan din ng konting "humor" ang ilang linya ni "Boy Golden" sa mga eksena. 

Revelation si KC Concepcion sa pelikula. Sabi nga ni Direk Chito: "I hope this film will help KC to elevate her career. I did not expect na pwede pala siya maging Angelina Jolie ala-Lara Croft," kuwento ni Direk Chito sa amin.


Ito yata ang pelikulang aksyon na gawang Pinoy na hindi kami nainip at hindi namin tinayuan para mag-walk-out.


Personally, hindi kami mahilig manood ng Pinoy action films but with Boy Golden, nahold ni Direk Chito ang interest namin to watch the film from start to finish.

Congratulation to the Casts and Staffs of the film and specially to Direk Chito na pinatunayan niya na hindilang siya pang-drama kundi pwede rin pala sa mga pelikulang aksyon.

KC Concepcion Isang Rebelasyon sa Shoot to Kill: Boy Golden



All out ang suporta ng pamilya ni KC Concepcion sa premiere night ng MMFF entry na Shoot to Kill: Boy Golden na naganap last Monday (Dec. 23, 2013) na ginanap sa Premiere Cinema ng SM MOA.

Present syempre ang super Mom niya na si Megastar Sharon Cuneta who was very excited to see her daughter act na kakaiba sa mga nauna na niyang pelikula in the past. Bukod sa ina na si Mega, andun din si Sen. Kiko Pangilinan at syempre ang lola niyang si Mommy Elaine Cuneta who is always supportive sa kanyang apo.


Happy si Sharon sa napanood niya. The fact na first time niya napanood ng anak na nakikipag-barilan and does her action stunts (suntukan at basagan) na nagulat din kami kay KC na hindi namin inaakala na game din pala siya sa mga ganung eksena.

"It’s in the genes,” kuwento ni Mega nang makausap namin after the premiere. “I have been very supportive with my daughter and I trust her in her decisions. I was thankful that Gov. ER and Direk Chito took care of her,” dagdag pa ni Sharon.

Sa katunayan, yong mga eksena ng kanyang dalaga sa pelikula ay gusto niyang gawin din in the early days of her career but wala nga lang daw pagkakataon, pabirong kuwento ni Mega sa amin.